CHAPTER 6

117 9 0
                                    

"Hush ladies! Rose ayusin mo ang pagkakaluhod mo hindi yang parang tinatamad ka!" seryuso kong sita sa kanya habang hawak-hawak ko ang isang stick sa aking kaliwang kamay.

Palakad-lakad ako sa harapan ng mga kaibigan kong nakaluhod habang naka dipa ang mga kamay. It's their punishment for what they've done to that jerk! Hindi sa ayaw ko sa ginawa nila, it's just that, sana manlang inisip muna nila ang kahahantungan ng lahat bago sila gumawa ng hakbang.

Paano kung dahil sa ginawa nila kay Nathan e ma expelled sila? Edi naluka na! Alam na nilang medyo mahigpit ang school namin pagdating sa violence sumigi parin sila. At hindi nila ako maluluko na walang kagalos-galos ang lukong yun dahil base palang sa kuwento nila paniguradong meroon yun.








"Can we take a break? medyo nangangalay na kase ang mga arms ko e." nagpapa-awang sambit ni Ericka.

Isa pa to, ingudngod ba naman ang mukha ni Nathan sa putikan! Oh my, ano kayang masama-na-mabuting esperito ang pumasok sa kanilang katawan?








"No walang mag rerest sainyo diyan hangga't hindi ko sinasabi."








"Ginawa lang naman namin yun para maigante ka sa kanya e." katwiran naman ni Mariannelle habang nakayuko ang ulo at hindi magawang tumingin ng diretso sa'kin.

Definitely siya yung may pinaka malalang ginawa sa lahat. She's the 'man' in our gang. Ang lakas niya ay katumbas sa lakas nila Monicha, Ericka at Rose. Wala siyang pag-aalinlangan kung gumawi hindi tulad namin. And according to her story when we first meet her, she likes trouble.

Nakikipag suntukan daw siya dati sa kanilang mga kapit-bahay and take note lalaki pa ang umaatras sa kanya. Wanna know kung ano ang ginawa niya kay Nathan? Ginawa niya lang namang punching bag ang lalaking yun! At ayaw pa sanang tumigil kung hindi na lugmok si Nathan sa lupa. Tapos sasabihin nilang wala silang iniwang galos as evidence? Ako pa talaga ang pinaglululuko ng mga ito!









"Okay fine inaamin na namin ang nagawa naming kasalanan. Hindi na namin yun gagawin at mag coconfess kami kay Dean." mahinang sambit ni Monicha habang naka yuko ang ulo.

Nakakatawa talaga ngayon ang itsura ng mga kaibigan ko. Parang mga batang nakabasag ng importante at mamahaling bagay ng kanilang nanay!








"Mula ngayon wag basta-basta susugod ng alanganin ha? Kailangang pinagplanohan at kasama ako syempre, maliwanag?" sabay-sabay na nagsipag tayuan ang mga kaibigan ko sabay sugad sa'kin. May kumakagat,nangungurot at nangingiliti saakin.

Sana pala hindi ko nalang sinabi ang mga yun para hindi ako naiipit ngayon! Ang bibigat kaya nila! Tapos dinaganan pa ako!









"Mariannelle at Rose mag diet kayo ha at mukhang kayo ang makakasira sa papag natin dito sa kwarto!" nang-aasar ko pang sabi sa kanilang dalawa.

Sa amin kaseng magkakaibigan sila yung medyo magana sa pagkain kaya medyo mas malaman sila kesa sa amin.









"Oy grabe naman to, hindi kaya ako mataba!" kaagad na reklamo naman ni Rose sabay tayo mula sa pagkaka dagan sa'kin.









"Sa pagkain ako kumukuha ng buong lakas ko, so bakit naman ako mag dadiet?" sabi naman ni Mariannelle sabay yakap sa'kin ng mahigpit na animo'y sawang nanliligkis sa kanyang target.

This tomboy! Humanda ka sa'kin kapag nakatakas ako sa inyo!









"Hala guys yung sinusubaybayan kong series malapit ng magsimula!" sigaw naman ni Bea sabay tayo at kaagad na kinuha ang kanyang cellphone.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now