CHAPTER 15

94 8 0
                                    

Kahit medyo tinatamad na akong pumasok bilang isang helper dito sa bagong cafeteria ng school namin, I still force myself na magtrabaho dahil malaki ang maitutulong nito sa'kin pagdating ng panahon.

Pandagdag kumbaga sa pinag-iiponan naming magkakaibigan para sa kinabukasan namin. Yup, maliban kay Kurt may iba pa akong pangarap, at gusto ko yong mapagtagumpayan ng hindi umaasa sa mga parents ko.

Naniniwala ako na sa una talaga mahihirapan ako, pero sigurado akong malalampasan ko rin ang mga pagsubok kong ito.

Matapos kong gawin yong assigned task sa'kin at nakita ko rin na tapos na sa kanya-kanyang gawain ang mga kaibigan ko, gaya ng napag-usapan, ito ako ngayon at hinihintay siyang dumating upang malaman kong ano ang kinalabasan ng napag-usapan ng mga magulang namin.

Hindi sa ayaw kung sumama sa kanya kahapon, kaya lang nakalimutan ko na meroon pala akong activity na kailangang tapusin kasama ang group members ko, at hindi yon yong mga kaibigan ko kaya hindi ako pweding walang iambag dahil paniguradong tatanggalin nila ako sa group namin.





"First love pinaghintay ba kita ng matagal?!" kaagad na sigaw ni Nathan pagkapasok niya palang sa cafeteria.

Mabuti nalang at wala pang tao dito maliban sa mga staff dito at mga... kaibigan ko! Naku patay, paniguradong gigisahin na naman ako ng mga yon!

Hindi pa nga tuluyang nakakalapit sa'kin si Nathan, ito na kaagad yong mga kaibigan ko, nakaharang at may kanya-kanyang hawak ng walis at handa ng ihampas yon kay Nathan.





"Woah easy ladies!" anito sabay tingin sa'kin na para bang nanghihingi ng tulong.

Lihim akong napangiwi at kunwaring hindi kinakabahan na tumayo ako upang awatin ang mga kaibigan ko.





"Guys ibaba niyo yan at baka kung ano pa ang isipin sa atin ng mga staff dito." mababa ang boses na sabi ko sa kanila na kaagad naman nilang sinagot ng masamang tingin.






"Anong kailangan niya sayo?" pagtataray ni Bea.




"Bakit siya nandito?" naka cross arm na tanong ni Rose.



"Are you defending him?" gulat na usisa ni Ericka.



"May dapat ba kaming malaman Archie?" usisa naman ni Monicha.



"Ikaw, ano na namang kalukuhan ang balak mong gawin sa kaibigan namin?" maangas na baling ni Mariannelle kay Nathan.






"Guys, guys, dahan-dahan lang sa tanong okay?" nakangiwi kong sabat ng kaagad na humarap si Mariannelle patungo kay Nathan habang naka kuyom ang mga kamao nito.





"Bakit ba kase siya nandito? Tsaka bakit 'first love' ang tawag niya sayo?"




"First love ko naman talaga siya e." katwiran naman ni Nathan.

Mariin akong napapikit dahil sa pagsagot nito. Tsk, imbes na mananahimik na lang ang lalaking ito, ginagatungan niya pa ang galit ng mga kaibigan ko.




"Tumahimik ka!" asik kaagad sa kanya ng mga kaibigan ko, na kaagad namang ikinataas ng dalawang kamay nito na parang sumusuko.





"Pweding doon ka muna sa dulo at may pag-uusapan lang kami?!" sabi dito ni Monicha sabay turo sa pinaka huling table at ilang dipa ang layo nito sa kinatatayuan naming lahat.

Kaagad na sumunod dito si Nathan na ipinag taka ng lahat maliban saakin.



"Explain Arcenith!" mababa ang boses na seryusong sabi kaagad ni Ericka ng makalayo na sa amin si Nathan.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now