CHAPTER 17

89 8 0
                                    

POV OF ARCENITH FRIENDS ⊂⁠(⁠(⁠・⁠▽⁠・⁠)⁠)⁠⊃


"Bakit kanina pa yan tulala? Any ideas girls?" pansin ni Bea sa tulala na namang kaibigan.






"Oo nga, tulala nga siya kanina pa. But this time kakaiba ang pagiging tulaal niya, it's more like she's daydreaming!" puna ni Rose.







"Agreed. Dikaya nanghalik na naman to dun sa bakla niya kaya ganyan nalang ang epekto sa kanya?" sabi naman ni Ericka.





"Wait guys, nag iba yong expression niya!" bulalas ni Monicha.







"Hay naku, hindi na kayo nasanay diyan kay Archie, e palagi naman 'yang ganyan k-...wait bakit nag blublush siya?" gulat na usisa ni Mariannelle.






"Yun nga ang pinagtataka namin dito e. Tulala tapos namumula ang pisngi nitong si Archie. Tapos kung minsan ngingiti, pagkatapos naman ay naka kunot ang nuo. Ewan ko ba, para yatang nababaliw na ang isang ito e!" napapa-iling namang sagot ni Ericka.







"Ayukong ma inlove kung ganyan pala ang epekto nun." napapa-iling namang sabi ni Bea.






"Asa ka naman na may magkakagusto din sayo!" pang-aasar dito ni Mariannelle.






"Gaga!" asik ni Bea sabay hampas kay Mariannelle nang unan.






"Assumera!" sabi naman ni Mariannelle at hinampas din ng unan si Bea.







"Tumigil na nga kayo! Guys paano kung tama itong naiisip ko!" hinihingal pa na sabi naman ni Rose, kahit nakatayo lang naman ito.






"Na ano?" sabay-sabay namang tanong dito ng mga kaibigan. Na ikinaatras niya dahil sa gulat.








"Paano kung nerape niya na 'yong pobreng bakla na 'yon kaya nagkakaganyan siya ngayon?!" kanya-kanyang batok ang kaagad na natanggap ni Rose mula sa kaibigan dahil sa kanyang sinabi.







"Kahit kelan talaga Rose, yang mga ideas mo palpak!" umiiling na sabi ni Mariannelle.







"Parang nag vovoice out lang naman yong tao binatukan niyo na kaagad, ang bad niyo talaga!" reklamo naman ni Rose.








"Let's ask Archie, at ng hindi na mag-isip pa ng kung ano-ano itong babae na 'to." suhestiyon naman ni Bea.








"Good idea!" kaagad na sang-ayon ng lahat maliban kay Rose na naka-nguso at abala sa paghaplos sa parteng binatukan sa kanya ng mga kaibigan.

At dahil walang narinig na pagsang-ayon mula kay Rose ang mga kaibigan, napansin na lang nito na nasa kanya na ang atensiyon nang mga ito.








"Bakit?" nagtatakang usisa niya sa mga kaibigan.







"Bakit wala kang sinabi? Ayaw mo ba sa suggestions nitong si Bea?" tanong sa kanya ng mga kaibigan.








"Agreed ako dun, ano okay na ba? Mga salbahe!" kunwaring nagtatampo nitong sabi sabay talikod sa mga kaibigan. Pero kaagad siyang hinila pabalik nang mga ito at pabirong sinakal.








"Hoy stop na, si Archie ang sakalin niyo wag ako!" reklamo ni Rose.






"Ay oo nga pala!" kaagad na sabi ni Mariannelle ang pasimuno sa pagsakal kay Rose, sabay bitaw sa pagkakahawak nito sa leeg ng kaibigan at ganun din ang ginawa ng iba.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now