Prologue

1.7K 24 4
                                    

Prologue

Sola’s POV

“How are you, Sola?” Malapad agad ang ngiti sa akin ng aking manager matapos kong sagutin ang tawag mula sa kaniya. 

Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko rito. 

“The book is almost done,” I said. Alam kong ‘yon lang naman talaga ang gusto nitong malaman. 

Faith Salveste, my manager. She was the one who took me when I was already out in the orphanage. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niya lang ako dahil sa perang maidadala ko sa kaniya. Ayos lang. All I want is writing. She gives me anything. Everything. Or is it really everything?

“Some of your fans wanted to see you!” aniya sa akin subalit nang tignan ko siya’y agad niya ring tinikom ang kaniyang bibig. 

They all wanted to see me. Hindi ko iyon maintindihan. Bakit pa? Mukha ko ba ang babasahin nila? 

“And some wanted to set an interview for you. Maganda ‘yon lalo na’t patapos ka na sa manuskripto mo.” Nahinto naman ako roon.

“Do I really need that?” tanong ko kaya naman agad na napabuntonghininga si Faith. 

“You need that to gain attention and to let your readers the message you wanted to say.”

“They can read it in my book. If they can’t understand what I wanted to say, maybe I’m not really that good.” I know how much people love my books. It brings them pain. People enjoy those things. 

Minsan nga’y hindi ko maintindihan. Alam na nilang masasaktan sila subalit patuloy pa ring binabasa para saktan ang mga sarili. Minsan, napapatanong na lang ako kung bakit kaya?

“Let’s end it here, Faith. We are just wasting time.” Hindi niya pa sana gustong walain ang pag-uusap naming ‘yon subalit wala siyang choice kundi ang pagbigyan ako. Alam niya ring sa bawat salitang sinusulat ko, salapi ang kalapit sa kaniya niyon. 

I was already on my last chapter of the story I’m currently writing. It’s already done on my mind. Hindi ko na namalayan ang oras matapos kong magsulat. 

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi matapos kong ipasa na ang buong manuskripto kay Faith at akin na ring ip-in-ost ang huling kabanata ng aking libro sa aking website. 

Matapos ‘yon ay nag-inat-inat na rin ako. Kumuha lang sandali ng chuckie mula sa ref at napagpasiyahan nang maglakad palabas ng bahay. 

Nasa cellphone lang ang aking mga mata habang naglalakad ako palabas. Agad nagdagsaan ang ilang komento mula roon. 

Bahagyang kumunot ang noo ko nang maramdaman ang lamig matapos kong lumabas ng bahay. Tila nag-iba rin ang atmospera ng paligid. Dahil na rin siguro sa tagal kong hindi lumabas. 

Napakibit lang ako ng balikat at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng ilang komento mula sa mga readers ko. Bahagya akong napangiti nang mabasa ang sari-saring emosiyon tungkol sa libro ko. Maraming hindi gusto ang kinalabasan at may iilan ding natuwa sa kinahinatnan. 

It’s always satisfying to finish a book. Bonus na lang ang mga komentong ‘to sa bagay na ‘yon.

Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang tuluyang mahinto. Agad na napaawang ang labi ko nang mapagtantong masiyado nang madilim. Napaangat ako nang tingin mula sa paligid. Unti-unting napaawang ang aking labi nang mapansing tatlong kulay lang ang mayroon dito. Itim, puti, at kulay abo. 

Hindi ko maiwasan ang pagbaling ulit sa aking cellphone. 

4:50 in the afternoon. It’s still 4:50 kaya paanong nangyaring madilim na? Ulit-ulit kong pinindot ang aking cellphone nang mapagtanto na unti-unti na ring nawawala ang signal ko hanggang sa hindi na gumana pa ang cellphone na hawak. 

Lost And Found, Tales and TellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon