Chapter 8

184 7 0
                                    

Chapter 8

Sola’s POV

“I told you so. They’re really out of our reach,” anang ilang babae na napatingin sa aming tatlo nina Rough at Hugh.

“Are you dating Hugh now, Sola?” May isang naglakas ng loob na magtanong. Napatawa ako nang mahina roon. It’s funny how people in this fiction keeps on misunderstanding something.

“Why do you even think it’s Hugh she’s dating?” nakangising tanong ni Rough na inakbayan pa ako. Siniko ko naman siya roon kaya natawa na lang ito habang nakatingin sa akin.

“We’re just friends,” paglilinaw ko dahil nanlalaki na ang mga mata ng mga ito at tila nagulat pa dahil sa sinabi ni Rough.

“Shut up, Rough. You’re giving them an idea,” malamig na saad ni Hugh kaya nilingon namin siya ni Rough. Naningkit ang mga mata ko.

“You’re the one who’s not really fixing the rumor! I thought you wanted to be friends with me?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay. Napanguso siya roon at napakibit na lang din ng balikat. We talk when we’re on our way in my department nang magtungo ako sa kanilang college department noong kasama ko si Sheena and starting that day, we started to be friends with each other.

It's not really that awkward to me dahil hindi naman ako ang ni-reject niya. The owner of this life was the one who got rejected to begin with.

Start na ng sport fest today. I didn’t know that the owner of this life is really that talented. Hindi ko nga alam kung napapagod ba ito o ano. Ang dami niyang responsibilidad. I didn’t know that she’s also part of cheerleading squad. Mabuti na lang din ay bago lang siya rito. Kung hindi, baka buong responsibilidad niya’y mapunta rin sa akin.

Although, she’s also new in her department, the seniors and freshman actually fond of her. All of them are treating her nicely.

Ginagawa ko rin naman ang mga trabaho niya. I was enjoying all of those things. Minsan ay hindi ko namamalayan na napapangiti na lang din ako dahil nalilibang subalit kapag nasa bahay na’y bahagyang nagi-guilty dahil pakiramdam ko’y nagsasayang lang ako ng oras.

But whenever I’m feeling guilty, I can’t help but to think about what Gaile said. Napangiti na lang ako bago dumiretso na kina Sheena.

The cheering squad is already getting ready. Ang dami na rin talagang tao sa gym dahil mag-sstart ang sport fest with the performance of two cheering squad from different school.

“Good luck!” nakangiting saad ni Rough bago tinapik ang noo ko.

“What was that?” Napatawa pa ako nang mahina dahil sa mga kalokohan na naiisip nito.

“That’s my goodluck charm. Good luck, Miss Governor!” Kusa na lang din akong napangiti bago nailing na tinalikuran siya.

“Break a leg, Sola,” sambit naman sa akin ni Hugh. Ngumiti ako roon at tumango.

Lost And Found, Tales and TellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon