Chapter 24
Sola’s POV
“Wow, napakalakas naman talaga ni Sola. Para sa pinakamamahal,” natatawang pang-aasar ni Sheena matapos kong makipag-meeting sa council na magkakaroon ng booths for the foundation week. Ang lakas din talagang mang-asar ni Sheena ngayon na para bang hindi niya ako nakalimutan.
Natawa na lang ako bago nailing doon. They just know that Rough and I are just a thing but they didn’t really know what’s going on with Rough’s life. Hindi rin naman kasi talaga pinapaalam nito. He just want them to treat him normal para wala raw special treatment.
Talagang wala nga dahil halos araw-araw na nga siyang pinagagalitan ngayon, talagang tinotoo niya na i-e-enjoy ang huling nalalabing oras nito.
Napanguso ako nang lumapit sa kaniya. Pinapagalitan siya ngayon ng guro dahil mukhang natulog sa klase.
“You’ll have a punishment after class, Mr. Rough.” Napanguso lang si Rough at mukhang hindi naman natakot doon kaya hindi ko maiwasan ang mapailing nang lapitan siya.
“What did you do again?” tanong ko sa kaniya naniningkit ang mga mata.
“I’m just curious why do students keeps on eating bubble gum whenever there’s a class. Ang tagal sa bibig ko at wala ng lasa, hindi naman pala masaya.” Tunog disappointed pa siya kaya hindi ko na lang din maiwasan ang mapailing dito.
“Hindi ka man lang ba nahiya sa prof mo, Rough?” tanong ko na pinaningkitan pa siya ng mata.
“Oks lang ‘yon. Mamamatay na rin lang naman,” aniya na tumawa pa kaya nawala ang ngiti mula sa aking mga labi. Hindi ko na napigilan pa ang napasimangot nang mapatingin dito.
“What?” inis kong tanong. Tumawa lang siya bago kinurot ang pisngi ko.
“Tara na sa amusement park. Hindi na ako papasok sa next class ko.” Agad niyang iniba ang usapan at ang lakas pa ng loob na mag-aya. Akala mo’y highschool student na nag-aayang mag-cutting.
“Rough! You still have a class!” ani ko kaya napakamot siya sa kaniyang ulo.
“Okay lang ‘yon, hindi naman siguro ako ge-grade-an sa langit,” sambit niya na tumawa pa kaya tumalim pa lalo ang mga mata ko habang nakatingin dito. In the end, he just laugh before shrugging his shoulder. Nakakainis na para bang tanggap niya nang maglalaho na lang din siya rito habang ako’y iniisip ko pa lang na mawawala siya’y hindi na kinakaya ng puso ko.
In the end, I just come with him and let him do whatever he wants.
“Say cheese,” ani ko na napangiti matapos kong ilagay ang sungay na headband sa kaniyang ulo. Nakasimangot ‘to habang nakatingin sa camera kaya napatawa ako. He really have this cute side of him. Napangiti na lang ako roon at ilang kuha pa ng litrato ang ginawa.
I just took a lot of photos with him. Hindi naman siya nagrereklamo roon but I know that he was just staring at me too whenever I’m trying to take a photo of the two of us.
BINABASA MO ANG
Lost And Found, Tales and Tells
FantasyFantasy Collaboration: Lost and Found, Tales and Tells Solus Isabela "Sola" Mandirigma, a famous writer of tragic stories. Kilala bilang mapanakit na manunulat. Lingid nga lang sa kaalaman ng lahat na kung anong ikinasakit ng istoryang isinusulat n...