Chapter 14

132 6 0
                                    

Chapter 14

Sola’s POV

“You really move on when it comes to Hugh, Sola, huh?” Ngumisi pa sa akin si Sheena nang tumabi siya at talagang nangalumbaba pa habang nakatingin sa akin ngayon. Kumunot ang noo ko sa kaniya bago ako napailing.

“What are you saying again, Sheena? Matagal na akong naka-move on,” sambit ko. Kahit ang totoo’y hindi ko naman talaga kailangang mag-move on dahil hindi ko naman nagustuhan si Hugh.

It's the start of our new semester matapos ng semestral break namin kaya nangungulit na naman si Sheena sa akin.

“Infairness, Rough and you look so happy with your pictures. Ang cute mo pa sa litrato na p-in-ost ni Rough,” aniya na napangisi pa sa akin. Napatikhim naman ako roon bago napailing. Bahagya pa akong pinamulahan ng mukha. Talagang pinagpipiyestahan ng mga blockmates at ilang schoolmates namin ang litrato namin ni Rough at ang post nito na picture ko. Pinagsabihan ko siya pagdating doon subalit imbes na matakot sa akin ay natawa lang talaga.

“May pag-asa ba si Rough, bebs?” Narito na naman ang mapang-asar na tingin ni Sheena. Napailing na lang ako sa kaniya at hindi rin sinagot ang kaniyang tanong. Paanong may pag-asa gayong wala namang namamagitan sa amin ni Rough? I was the only one who feel something about him.

“Bagay naman kayo! Kung hindi na si Hugh kay Rough na lang!” Halos ipangalandakan niya pa ‘yon kaya agad na mapang-asar na tingin ang ibinigay sa akin ng ilang blockmates ko.

“But looks like hindi rin magpapatalo si bebe boy Hugh. Ehem.” Tumingin pa siya sa pinto kaya napakunot na lang ako ng noo bago lumingon doon, agad kong nakita si Hugh na siyang agad na kumaway nang makita ako. Bitbit niya ang gitara niya ngayon. Looks like he’ll be jamming around here again. Pero bago ‘yon iniabot niya muna ang kaniyang gitara kay Angelo bago siya nagtungo sa gawi ko.

“You’re going to watch my gig today, right?” tanong niya na naupo sa upuan ni Sheena kanina. Si Sheena’y nasa boyfriend niya na ngayon. Nailing na lang ako bago nilingon si Hugh.

“Yep.” Well, Hugh and I really decided to be friends. Bugnutin pa rin siya paminsan-minsan. Nang makita niya ang litrato namin ni Rough, medyo nagtampo kay Tita dahil hindi siya nakadalaw roon but at the end inaya na lang ako sa gig nila.

“What about Neela?” Agad kumunot ang noo niya roon.

“You’re always mentioning Neela.” Sumimangot pa siya sa akin doon. Napanguso ako roon bago ngumisi sa kaniya. Tinusok ko pa ang tagiliran niya para mang-asar.

“Because Neela and you look together,” ani ko na nakangisi sa kaniya. Well, they are. I’ll be really glad if they ever got together. So Neela won’t need to date an asshole and Hugh will have his own happy ending. And he’ll have someone once their life started to crumble.

“Stop it. I don’t like Neela romantically and she have someone she likes. We’re just friends,” inis niyang sambit sa akin kaya napanguso na lang ako dahil napipikon na naman ito.

And around this time dapat may gusto na si Hugh kay Neela, why did things change? Is it because of my scheme to in the gym?

Lost And Found, Tales and TellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon