Ms. Demitrio nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"
"Po?" kinakabahang tanong ko kay ms. Elejador. May sinasabi ba siya? Bakit wala naman yata akong naririnig!?
"Ano na naman ba ang pinag-kakaabalahan mo diyan at hindi ka na naman nakikinig sa discussion ko? Ano gusto mo bang bigyan na naman kita ng parusa?" tudo iling ang naging sagot ko sa tanong niyang yon sa'kin.
Ito nga at simpleng discussion hindi ko makuha-kuha, tapos bibigyan niya na naman ako ng parusa! Masuwerti lang ako nung una kaya naging successful yong presentation ko, and base on my own experience hindi lahat ng oras masuwerti ang isang tao kaya hangga't maaari ayukong maparusahan ulit no.
Kung hindi nga lang dahil sa tulong ng mga kaibigan ko, malamang yong ginawa kong presentation ay hindi magiging successful tulad ng nangyari!
"Kung ayaw mo naman pala ang maparusahan, pay attention on my discussion at ng hindi ka bumagsak sa subject ko!"
"Yes po ms."
Ito talagang si ms. Elejador, ang hilig niya talagang ipahiya ako dito sa classroom ng ABM, hindi ba pweding sabihin niya nalang sa'kin yon mamaya kapag kaming dalawa nalang, kailangan ba talagang dito niya pa yon sabihin? Buti nalang at wala akong crush dito dahil kung nagkataon, naku hindi ko na alam kung may mukha paba akong ihaharap sa kanya dahil sa palagi akong napapahiya sa klase.
"Anyways, may bago tayong classmate ngayon, he's a transferee so be nice to him okay?"
"Yes ms.!" tinatamad na pakikisabay ko sa buong klase.
Tch, bagong estudyante ng ABM, madadagdagan na naman ng mayabang ang classroom na ito. Ang yayabang porket matatalino sila sa math! Hmp, math is just a number subject nothing more, walang special dun kaya dapat hindi sila maging mayabang no!
The hell I care if they already know and learned how to manage their time, practice to have a long patience and to concentrate and focus on their studies, learn to manage their own business if they start, learn on how to gain profit at a young age, tch kaya ko rin ang mga yon! Every individuals in this world can do that, sadyang mayayabang lang talaga itong mga ABM na ito!
Porket they can analyze assets, understand everything that involved with financial position, interpret various profitability, and prepare audit accounts tingin nila sa sarili nila subrang galing na nila sa lahat ng bagay!
Ano naman kung magaling sila sa communication skills, Finance Skills, Collaboration Skills, Analytical skills and time management, kaya ko rin ang mga yon no, sadyang tinatamad lang talaga ako ngayon!
"Ms. Demitrio bakit nakatayo kana? And could you please stop throwing your things in my classroom! You're not a child anymore to act like that, sit down!"
Nahihiyang nabaling ang tingin ko sa buong classroom. Shit, ako na naman ang center of attention ng mga ito ngayon! Subukan lang nilang pagtawanan ako at talagang may mababato ako nitong notebook ko!
At gaya nga ng inaasahan, talagang pinagtatawanan ako ng mga ABM student at ibang GA narin. Naman e, kung bakit napatayo ako, yan tuloy napagtawanan na naman ako!
"Mr. Russquil you may come in."
Tch, lalaki pa talaga ang bagong estudyante, naku sigurado akong lagpas pa sa bunbunan niya ang pagiging mayabang nito!
Pansin ko lang din ha, pagka ABM student na lalaki sagad sa buto ang pagiging mahangin, subrang yabang at akala mo talaga hindi rin nagche-cheat, ha kahit pa nga yong top one nila dito nakita ko ng nagbuklat ng notebook noon during exm e and mind you hindi pa sa kanya yong notes na 'yon, inagaw niya lang sa isang classmate niya! Tapos kung makaasta, napaka galing niya na!
YOU ARE READING
Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)
General Fiction(BEST FRIEND SERIES#1) Turning eighteen and on her last year as a highschool student, Arcenith Demitrio thought about having a good time for herself. But this 'good time for herself' turns out to be stressful and roller coaster ride for her as she s...