"For you." pigil ang ngiting abot ko kay Kurt sa bagong pitas kong gumamela.
"Fresh and imported yan don't worry." dagdag ko pa.
Wag nga lang sana akong mabuking ng landlady namin, at baka ipakain sa'kin yong puno ng gumamela.
"I don't remember asking this from you!" masungit namang sabi nito. Hindi pa rin tinatanggap ang bulaklak na ibinibigay ko sa kanya.
"Ganyan talaga yan kaya tanggapin mo na."
"What do you mean?"
"Tsk, nanliligaw ako sayo kaya natural lang na bigyan kita ng bulaklak."
Naku naturingang matalino wala namang alam tungkol sa ganitong bagay. Maturuan nga.
"Ah ganun ba?" anito sabay amoy sa gumamela.
Hehe worth it naman pala ang palihim na pagpitas ko sa gumamelang ito ng landlady namin dahil mukhang nagustohan ito ni Kurt. Pero sana sa'kin niya nalang idinikit yang labi niya kesa naman diyan sa gumamelang yan!
"Hoy anong ginagawa mo diyan?" nagpapanic na tanong sa'kin ni Rose ng makita niya akong pumasok sa may bakod na halamanan ng landlady namin.
"Tsk wag ka ngang maingay diyan!" saway ko dito habang patuloy parin sa dahan-dahang paglapit sa iisang bulaklak na nakakuha kaagad sa atensiyon ko kahapon pagka-uwi namin galing school.
"Archie baka makita tayo ng landlady, alam mo naman na subra niyang iniingatan ang mga yan e!" pigil ang sariling wag mapalakas ang boses na sikmat sa'kin ni Rose.
Alam kong subra-subra kung pahalagahan ang mga halaman na ito ng landlady namin dahil halos araw-araw dito niya inilalaan ang kanyang maghapon at nakikipag-usap pa sa mga ito. Pero importante at pinapahalagahan ko rin naman ang taong pagbibigyan ko nito kaya okay lang yon.
"Psssst anong ginagawa niyo diyan!?" ano ba 'yan ang dami namang nagtatanong.
Mabuti pa bilisan ko nalang ang pagpitas ng bulaklak para hindi na ako mangamba na baka makita ako ng landlady namin.
"Wag nga kayong maingay! Ito nga at subra-subrang kaba na ang nararamdaman ko dahil dito kay Archie tapos dadagdag pa kayo!" saway ni Rose.
"Archie don't do it!" pabulong na sigaw sa'kin ni Monicha.
Too late dahil hawak-hawak ko na ang pakay ko at masaya na akong naglalakad palapit sa kanila.
"Gaga ka talaga! At para saan naman yang bulaklak nayan?" sita sa akin ni Mariannelle.
"Para to sa asawa ko, bye guys!" masaya kong sabi sabay takbo para kaagad na maibigay ang bulaklak na ito kay Kurt bago pa malanta.
At ngayong nakikita kong gustong-gusto ito ni Kurt masasabi kong kahit araw-araw akong palihim na mamimitas ng mga bulaklak ng landlady namin okay lang sa'kin. At kahit pa dumating yong araw na malalaman na ito ng landlady namin ang ginagawa ko sa bulaklak niya, okay lang din sa'kin, tatanggapin ko ang galit niya, basta para kay Kurt okay lang.!
YOU ARE READING
Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)
General Fiction(BEST FRIEND SERIES#1) Turning eighteen and on her last year as a highschool student, Arcenith Demitrio thought about having a good time for herself. But this 'good time for herself' turns out to be stressful and roller coaster ride for her as she s...