Kabanata 05

121K 1.9K 155
                                    

Kabanata 05

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 05

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Llander nang maabutan ko siya sa tapat ng apartment ko.

Kakauwi ko lang din kasi.

Nakaupo siya doon sa motor niya habang may pinipindot sa cellphone niya.

Napatingin siya sa akin, "Ang cold. Galit ka?" tanong niya tapos nilapit iyong mukha niya sa akin.

I rolled my eyes bago siya nilampasan para buksan iyong pintuan ng apartment ko.

Galit? Ako? Bakit? Kasi hindi niya ako nire-replyan? Bakit naman ako magagalit? Sino ba ako sa buhay niya?

"Sorry, Revs. Sobrang daming pinagawa. We've been to workshops para doon sa show. Bawal mag-phone." paliwanag niya habang papasok kami sa loob.

"You don't need to explain." sagot ko atsaka ibinaba iyong mga gamit ko.

Nakasunod pa din si Llander sa akin hanggang sa pagpunta ko sa ref para kumuha at uminom ng tubig.

"What?" I asked him kasi pagsara ko ng ref, nandoon pa din siya at tinititigan ako.

"Babawi ako." ani niya tapos ginulo iyong buhok ko.

"Zambales tayo." dagdag niya pa out of nowhere.

"Baliw ka ba? As in ngayon?" tanong ko na siyang tinanguan niya naman.

Baliw na nga siya. Alam ko namang sabado bukas pero kasi, mas gusto ko magpahinga kaysa gumala. Stress kaya the whole week. Sabado at Linggo lang ako nakakatulog nang maayos.

"No." sagot ko at pumunta na sa may cabinet ko para kumuha ng damit na pampalit.

Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na matutulog ako whole day bukas, hindi ko pwedeng sirain ang plano ko para lang sa Llander Gian Evangelista na ito.

"Start na ng show by monday. Hindi tayo magkikita nang matagal, bahala ka... mami-miss mo ako." sabi niya naman kaya napabalik iyong tingin ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Start na sa monday? At bakit naman hindi kami magkikita? anong klaseng show ba 'yon?

"We're going to stay in a house for 100 days. Hindi tayo magkikita, hindi tayo magkakausap kaya lubusin mo na habang nandito pa." sabi niya.

Is that serious? Parang PBB? Ganun ba 'yong sasalihan niya? OMG! hindi kasi ako mahilig manood ng TV and super private ng mga accounts ko. Hindi niya din naman pino-post sa IG niya regarding doon or bawal pa talagang i-post? Wala akong idea na gano'n pala iyong sasalihan niya.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon