Kabanata 46

121K 2.1K 265
                                    

Kabanata 46

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 46

MAAGA akong nagising ngayon dahil ihahatid ko si Cherry kay Mama.

Doon muna siya kasi mamayang gabi na iyong ball. Pareho kaming wala ni Llander at pinag-leave namin si Lora. Miss niya na daw kasing umuwi sa probinsya nila kaya pinayagan na namin na umuwi siya ng isang linggo.

Okay lang din naman kay mama na siya ang mag-alaga kay Cherry dahil nabo-boring daw siya sa bahay.

Mag-isa nalang kasi siya doon unless dalawin siya ng mga kapatid ko kasama ang ibang apo niya. Hindi ko na kasi siya pinagtitinda pero binilhan ko siya ng makina kasi mahilig siyang manahi, kaya ko naman na siyang buhayin kaya ayoko na nakikitang nagpapagod siya pero dahil makulit siya, minsan pumupuslit pa din siya para magtinda ng mga kakanin sa mga kapitbahay.

Kumportable din naman sa kanya si Cherry dahil madalas din siyang dumalaw sa amin. Ayaw niya lang na doon tumira kasi ayaw niyang iwanan iyong bahay.

"Please be good to Mommy La, okay? Wag mo papasakitin ang ulo niya." paalala ko kay Cherry habang nasa kotse kami.

Tumango siya sa akin.

"Ofcourse, Mommy. I will be a good girl. Enjoy po kayo ni Daddy." sagot niya kaya tinapik ko iyong ulo niya bago kami bumaba sa kotse.

Excited siyang tumakbo papasok sa bahay.

Napaayos ko na din iyon. May gate na at maayos na iyong bubong. Ang mga kwarto ay pinalagyan ko din ng aircon. I really want to see my mom living a comfortable life. Iyon ang unang-unang goal ko kapag nagkatrabaho ako at masaya naman ako na finally ay nagawa ko na.

"Ikaw na pong bahala sa kanya, Ma." sabi ko.

"Oo naman, mag-enjoy ka doon at wag mo kaming isipin. Deserve mong maging masaya." sabi niya kaya niyakap ko siya.

"Thank you, Mama. Salamat po sa lahat." sabi ko at niyakap niya din ako.

Nag-iwan ako ng pera sa wallet niya habang nakikipaglaro siya kay Cherry bago ako umalis. Ayaw niya kasing binibigyan ko siya ng pera pero ako gusto ko. I wanted to spoil her as much as I want to spoil Cherry. Binigay niya sa akin ang lahat noon kaya babawi ako ngayon.

Dumiretso ako sa condo ni Aia after. Doon kasi kami magbibihis at magme-make up dahil malapit iyon sa event's place. Kasama ko din si Lyle dahil ka-date siya ni Brent. Nagsisi nga ako kasi wala silang ibang ginawa kung hindi asarin ako.

Si Aia ang nag-make up sa akin. She's really good. Ang talented niya talagang babae, tapos na sila ni Lyle at ako nalang talaga ang inaantay nila.

"Wow." reaction nilang dalawa kapag labas ko sa dressing room at nakasuot na sa akin iyong dress na pinagawa ko.

I'm really happy that I got to wear a designer dress like this. It feels surreal, para akong nasa fairytale na minagic ng fairy godmother ko para maging isang prinsesa ng isang gabi.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon