Kabanata 19

86K 1.5K 334
                                    

Kabanata 19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 19

"Revi!!! Thanks, Lord God! Bumalik ka na!" salubong sa akin ni Lyle pagpasok ko palang sa locker room namin.

She hugged me and then check every part of my body kung may kulang ba sa akin.

"Gosh! 3 weeks lang naman pero na-miss kita." sabi niya at muli akong niyakap.

"Sana hindi ka na bumalik." Napalingon kaming dalawa sa nagsabi non at nakita si Vivian na busy na nagmi-make up ng sarili niya.

"Anong sabi mo?" asar na tanong sa kanya ni Lyle.

"I mean.. welcome back, Revi." saad niya at ngumiwi bago ipinagpatuloy ang pagma-mascara niya.

Kita ko iyong pag-ngiwi ni Lyle doon tapos hinila na ako palapit sa locker ko.

Hinayaan ko nalang.

Ngayon kasi ang unang araw ko bilang manager at hindi pa din ako makapaniwala na na-promote na talaga ako. I need to do better para hindi naman sila magsisi na sa akin nila ibinigay iyong promotion.

Masaya naman maging manager. Normal lang. I'm really settling with this job and actually mahal ko naman iyong trabaho ko.

Si Llander, hindi ko masyadong nakikita lately, si Cela ay madalas nasa kanila tita niya. Si Mama madalas nakakausap ko naman sa video call. Brent didn't even bother to talk to me after what happened.

I keep on texting him but he seems so busy.

Kisha constantly reminds me not to forget attending Thunder's despedida party. Sa ibang bansa niya kasi balak mag-law school.

Looking at my friends, may mga mararating talaga sila sa buhay. May mga pangarap. Derrick in med school, Kisha, continues joining pageants, Thunder pursuing law and Llander living his dream as an actor.

At ako, ito,  nagtatrabaho 5 days a week with minimum na sweldo, ay tumaas na pala kahit papaano. Ganun pa man, kailangan magpatuloy.

Mabilis akong tumakbo sa lababo at dumuwal doon.
Kanina pa ako nasusuka pero hindi ko mailabas. Ang sama talaga ng pakiramdam ko pero need ko pa din pumunta sa party ni Thunder kung ayaw ko silang magalit sa akin.

Napapadalas na iyong morning sickness ko dahil na rin siguro late na ako nakakauwi at nakakatulog. Unlike noong staff pa lang ako na pagpatak palang ng alas singko ay inaayos ko na ang gamit ko para makauwi but as a manager, kailangan siguraduhin ko muna na okay lahat bago makauwi.

"Gosh! Need ko na ata magpa-check up." sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas sa CR ng kwarto ni Ellaine.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
Nahihilo, nasusuka, madalas inaantok na din ako. Grabe talaga ang pagkapagod ko sa trabaho pero feeling ko sa una lang naman ito. Nag-adjust kasi iyong oras ng trabaho ko pero alam kong masasanay din ako kalaunan.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon