Kabanata 44

113K 2.1K 341
                                    

Kabanata 44

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 44

"OMG! may anak na kayong dalawa?" malakas na saad ni Aia after kong magkwento sa kanya kaya mabilis ko siyang sinenyasan na hinaan niya iyong boses niya. 

Ang lakas kasi talaga ng boses niya na halos lahat ng mga tao doon ay napatingin sa gawi naming dalawa.

Hinila ko siya dito sa canteen kasi patuloy niya akong kinukulit tungkol doon sa nangyari noong isang araw, baka kung ano pang isipin ng mga kasama namin kakabanggit niya ng Llander.

Aba, ayoko ngang ma-issue. Nasa hulihan ng listahan ko ang masangkot sa mga isyu na iyan lalo na at malaki ang pangalan ni Llander sa industriya.

Ayokong may nagagalit sa akin nang hindi ko alam.

Sa dami niyang fans, sure ako na may mga taong isusumpa ako at dadalhin ang galit nila sa akin hanggang sa mamatay sila if ever malaman nila iyong tungkol sa amin. Baka isipin nila na ako pa ang dahilan kung bakit hindi maging real life couple ang Kleander.

Llander naman kasi! Ano bang trip niya at naga-i love you na lang siya out of nowhere? Hindi niya ba alam na nakakabaliw iyong ginagawa niya? Kahit sino naman siguro mababaliw sa ginawa niya.

"Gosh! Now, I'm curious kung paano niyo ginawa. Is he good? Malaki ba?" tanong ni Aia, mahina na iyong boses niya pero dama ko pa din iyong excitement niya na makuha ang sagot doon sa tanong niya.

Grabe! I mean. Never kong nakita ang sarili ko na kini-kwento iyon sa iba. As in, hindi talaga.

"Pwede ba? Let's not talk about it." sabi ko.

Nakakahiya naman na i-topic iyon. Bigla akong namula at na-conscious din ako bigla. Hindi naman ako iyong tao na bulgar sa mga ginagawa ko sa buhay.

Iyong ginawa namin ni Llander ay amin nalang, nakakahiya naman i-kwento na nakawasak kami ng sofa while doing that. As in, no way talaga.

"Ay, grabe! Ang damot mo naman sa details, para kang iyong author sa wattpad na si Sheburnnn, ang lakas mambitin." sabi niya.

I just don't want to talk about Llander behind his back.

Sa dami kong alam tungkol sa kanya ay baka kung ano pa ang ma-kwento ko. Kabisado ko iyong itsura ng bawat parte ng katawan niya and I love everything. His back part was my favorite especially when he's beneath the sun while sitting next to the window and waiting for me to wake up.

Gustong-gusto kong titigan iyon, kung pwede ko lang talagang isulat ang pangalan ko sa parteng iyon ng katawan niya ay gagawin ko. I really love that part. Nilibre ko nalang si Aia para hindi niya na ako kulitin.

Tama na iyong alam niya na may something sa amin ni Llander. I mean, may anak kami, nakatira sa iisang bahay pero hindi kami at hindi ko alam kung ano ba kami.

Mahirap na mag-assume at kahit sinabi niya naman na mahal niya na ako, hindi pa din ako desido sa nararamdaman ko.

I wanted to feel more.

"Anyways, the limelight ball will be next-next week. Sabihan mo ako kapag bibili ka ng dress para sabay na tayo, ha? Wala akong balak magpa-design ng sarili kaya bibili nalang ako. Hindi naman ako super importante doon." pagi-iba niya ng usapan.

Tumango ako sa kanya. Excited na din ako sa araw na iyon.

Doon kasi ginaganap iyong mga awarding sa showbiz entertainment and I will get to meet lots of big actors and actresses there.

Ilang years na din ako sa news field pero this year lang ako magiging eligible na makadalo doon kaya naman sobrang excited na talaga ako. Aia was there yearly at naiingit ako tuwing ang dami niyang pictures kasama ang mga artista. Malakas kasi kapit nito sa kataas-taasan, e.

"Oo naman. Excited na talaga ako." sabi ko.

Gusto ko ng magandang dress kasi baka maisip ng iba na staff lang ako kapag kung ano lang iyong suot ko. For sure iba-ibang designer dresses ang susuotin ng mga artistang dadalo doon. Buti nalang nakapag-ipon talaga ako at napaghandaan ko ang araw na iyon. Minsan lang naman at tingin ko ay deserve ko naman.

Pag-uwi ko, tulog na si Cherry. Madalas naman kasi na ganun. Nami-miss ko na nga na kausap siya kaya minsan bago ako pumasok ay inaantay ko muna siyang gumising para masabayan ko siyang kumain ng almusal.

Naglinis muna ako ng katawan at nagbihis bago ako pumunta sa kwarto niya. She's peacefully sleeping. May story book sa tabi niya kaya sa tingin ko ay binasahan siya ni Lora kaya nakatulog siya agad.

After talaga ng limelight ball ay magle-leave ako ng isang linggo para makapag-bonding kaming dalawa. I really wanted to make more memories with her habang bata pa siya. Mabilis lang ang oras at alam kong hindi ko mamamalayan iyong paglaki niya.

"I love you, baby." sabi ko bago hinalikan iyong noo niya, inayos ang kumot niya bago ako lumabas na.

I check my phone habang nandoon ako sa corridor dahil nag-vibrate iyon. I saw lots of notifications from instagram and all of them are from Llander.

He's been tagging me on his photos at sunod-sunod iyon.

Napakunot ang noo ko.

Naglakad ako papunta sa kwarto niya at kinatok siya pero walang nasagot, binuksan ko ang kwarto niya pero wala siya doon. I know that he's already home kasi nagtext siya sa akin kanina. Ang dami ko pa kasing inasikasong research bago ako umuwi kaya nalate ako.

Naglakad ako pababa at naabutan ko siya doon sa kusina. He's sitting on the chair sa may kitchen counter while eating an apple. He was with his phone and slyly smiling habang nakatitig doon.

Lumapit ako sa kanya at inilapag ang cellphone ko sa lamesa kaya napatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

Itinaas niya iyong kilay niya kaya nakagat ko ang ibaba ng labi ko. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa pa-i love you niya noong isang araw tapos may ganito? Ngayon ko na nga lang siya ulit nakita dahil busy talaga siya sa shooting nila.

"Bakit mo ako tina-tag sa mga pictures mo, wala naman ako dito?" paglilinaw ko.

Halos lahat talaga ng pictures niya ay tinag niya ako, puro mukha niya iyon, puro selfie, puro endorsement. Ano namang kinalaman ko doon diba?

"You're there." walang alinlangan niyang sagot.

"Saan? Baliw ka ba?" tanong ko.

Naiinis na ako nang hinila niya iyong bewang ko palapit sa kanya. Napahinto ako. Gusto kong mainis pero natameme na naman ako. Inilapit niya iyong bibig niya sa tenga ko. Naghahabol na naman ang mga kabayo sa loob ng dibdib ko.

Narinig naming dalawa na nag-ring iyong phone niya pero hindi niya pinansin iyon.

"In my heart." dagdag niya bago ako binitawan at lumayo sa akin para sagutin iyong tumatawag sa kanya.

Pinagmasdan ko siya kasi parang bigla akong hiningal sa ginawa niya.

Sa puso niya? Ano siya bata? Minsan ang lakas din talaga ng tama niya sa utak.

Chineck ko ulit iyong mga tag post niya sa akin only to find out kung saan naka-tag iyong mismong pangalan ko.

Tinignan ko talaga isa't-isa at tama nga.

My name was tagged right on the chest part of his every photo and it's driving me crazy.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon