Kabanata 12

90.7K 1.6K 251
                                    

Kabanata 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 12

'He take my hand and dragged me head first, fearless. '

I captioned as I posted the photos of me and Llander habang naliligo kami sa ulan.

Pinasa ni Ellaine sa akin ito at hindi ko mapigilan iyong pag-ngiti ko. Ang cute naman naming dalawa. Ang dami naming moments na hindi naca-capture kaya ipopost ko na lang ito.

Private naman, wala namang makakakita.

Napatingin ako sa gawi ni Llander nang makita kong lumabas na siya mula sa CR.

He said that he have a meeting today, kita ko kung gaano siya nahihirapang maglakad na tila ba ang bigat ng katawan niya.

Umupo siya sa tabi ko dahil dito ako nakapwesto sa sofa na tinutulugan niya.

Naramdaman ko ang mainit niyang balat na kumiskis sa balikat ko. Nilalagnat pa din siya.

"Okay ka na ba? Sobrang init mo." saad ko.

Aalis na kasi siya. Hirap pa siyang bumangon kanina pero pinilit niya talaga iyong sarili niya.

"Yeah... kaya ko naman."

Medyo paos iyong boses niya, nangangalumata pa siya at namumutla iyong dating mapupulang labi niya.
Kinuha ko iyong maliit na towel na hawak niya at ako iyong nagpatuyo sa buhok niya. Hirap din siyang punasan iyon. Hinang-hina siya.

"Pwede mo naman sigurong sabihin na hindi ka makaka-attend, maiintindihan naman siguro nila."

Health niya na iyong nakasalalay. Paano siya makakapag-trabaho kung may sakit siya?

"It's planned already. Bago palang ako, nakakahiya if hindi ako pupunta." sagot niya.

Huminga ako nang malalim. Matigas ang ulo. Ano pa bang magagawa ko? Kinuha ko iyong baso at gamot sa lamesa sa tapat namin at inabot sa kanya. Ininom niya naman iyon.

"Thank you." Tumango ako.

Sinuot niya na iyong polo shirt niya since nakapag-pantalon naman na siya. Nag-sapatos na din siya.

Maga-alas siyete na at alas-otso daw iyong meeting nila.

Nag-taxi lang siya dahil hindi ako pumayag na mag-drive siya. Nakakatakot kaya.

Nang makita ko na nakaalis na iyong taxi atsaka ako pumasok sa loob ng apartment ko. Nag-ayos na din ako para makapasok na din sa trabaho.

***

"Hindi ka mapakali." Ani ni Lyle kasi kanina pa ako tingin nang tingin sa cellphone ko.

Patapos na ang duty ko pero hindi pa din nagrereply si Llander sa text ko. Kasi naman naga-alala talaga ako sa kanya.

Okay lang ba iyon? kanina pa ako kinakabahan dito. Feeling ko may nangyari nang masama sa kanya. Palagi ba naman kaming magkasama kaya siguro parang konektado na kami sa isa't-isa.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon