Kabanata 25

87K 1.5K 193
                                    

Kabanata 25

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 25

ISA-isa kong inilagay sa box iyong gamit ni Llander na naiwan niya dito sa apartment ko.

Isasauli ko na sa kanya lahat kasi as if naman na asahan ko pa siyang pumunta dito. Doon na lang siya, kung ganito ang gusto niya, edi sige! Bahala siya!

Lahat ng t-shirt niya na paborito kong suotin ay nilagay ko doon, he even left his boxers here. Hindi siya nagbi-brief kasi hindi naman kasiya sa kanya iyon, basta... hindi ko na ie-explain kung bakit hindi kasya. Inilagay ko doon lahat pati iyong hoody niya na in-arbor ko. Iyong sumbrero, maging medyas ay meron dito. Kumpleto ang gamit niya dahil halos dito na nga siya tumira.

Tinignan ko iyong cellphone na ipinahiram niya sa akin.

That phone has a lot of memories.

Halos lahat ng album doon ay para sa kanya. Kaniya naman kasi iyong cellphone kaya naman pinuno ko ng mga pictures niya.

There's a lot of photos there habang natutulog siya, habang nakayakap iyong mga braso niya sa akin and even the photos of his back whenever he's topless. That was favorite part of his body. Oh, how I wish I could write my name there... para masabi ko sa sarili ko na na naging akin siya kahit hindi naman talaga.

He remains my kind of august, the man I will always love but will never be mine.

I'm so tired of being someone he runs to when he doesn't have a choice.

Pumunta ako sa notes ulit at nagsulat doon.

'Ang sama mo! Sabi mo walang iwanan. Sa ilang taon na hindi kita sinukuan, iniwan mo ako ng ganoon-ganoon lang. Akala ko ba tayo iyong magsasama habang buhay? na kapag wala tayong nakatuluyan ay tayo nalang. Grabe ka! Grabe ka talaga sa akin. Ang sama-sama mo.'

Naiiyak na naman ako, seeing the playlist I made for him on spotify.

Ang dami nang listeners doon, paano iyong pangalan ba naman ng playlist ay 'Secret moments with Llander Gian Evangelista' they thought that it was made by a fan but little did they know that it was made by someone who has been with him since day 1.

The playlist goes with the following songs:
Dress by Taylor Swift
Boyfriend by Ariana Grande and Social House
Before it sinks in by Moira Dela Torre
Eroplanong Papel by December Avenue
They don't know about us by One Direction
YK by Cean JR
Lowkey by NIKI

And so on... those songs made me cry overnight kasi tuwing napapakinggan ko iyon ay nare-realize ko kung gaano ako katanga.

In-off ko iyong iphone bago ilagay doon sa box.

Bumili na ako ng bago pero mumurahin lang na android. Pwede na niyan sa akin kasi hindi din naman ako maarte sa cellphone.

Si Cela, kanya na din! Ako ang nag-alaga doon pero sige! kanya na lahat. Ganyan naman siya, e. Gustong-gusto niya iyong inuubos niya lahat sa akin kasi alam niyang willing naman ako na magpaubos sa kanya.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon