Kabanata 31

94.9K 1.8K 193
                                    

Kabanata 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 31

"Revi, buti na lang nakita kita." sabi ni Aia sa akin ng makasalubong niya ako sa corridor.

Papasok palang ako at naniniwala naman akong wala akong hindi natapos na gawain kahapon.

Kinabahan tuloy ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Ano kasi... si Ms. Cali, nagka-emergency. E, may need siyang interview na kailangan tapusin ngayon. Pwede bang ikaw nalang ang pumunta?" tanong niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko naman ay may mali na akong nagawa.

"Oo naman, ano ba iyan?" sabi ko sa kanya.

Binuklat niya iyong folder kung saan nakalagay iyong details ng interviewee na sinasabi niya.

"Interview ito with Famous Actor, Llander Evangelista. He just opened a wine company, siyempre need i-feature ito sa showbiz news mamayang gabi so need itong matapos. Kaya naman ito today, hindi ba? Good, Revi. Maiwan na kita." sabi niya, inilagay sa kamay ko iyong folder bago nagmamadaling iniwan ako.

Hindi na ako nakasagot.

Natulala ako sa mga sinabi niya.

Did she just mention who? Sino nga ulit iyong kailangan kong interviewhin? Si Lla?

What the hell? Napaawang iyong labi ko.

No... no way...

I mean, bakit siya? Of all the people, why him? Okay na ako sa mga bagyo-bagyo? Ayoko ng ganito.

Hahabulin ko pa sana ulit si Aia pero nagsara na iyong elevator na sinakyan niya.

Binuklat ko ulit iyong folder.

May picture doon ni Llander, he was wearing a suit while holding a glass of wine and behind him was a cellar full of it.

Nakalagay sa headline. "Famous Actor, Llander Evangelista just opened a wine Company"

Business minded na pala siya ngayon.

It took me a couple of hours before I decided to go to his place.

May address kasi doon kung saan gaganapin iyong interview at ang nakalagay naman ay home address kaya feeling ko naman ay sa bahay niya iyon.

I thought he's still living in a condo unit pero napabagsak ang panga ko nang pumasok sa isang malaking subdivision iyong kotse ng station namin at mas lalo pa akong napanganga nang makita ko na iyong mismong bahay ni Llander.

Mansion ba ito? Ang laki... hindi ko akalain na ganito na pala siya ka-successful na nakapag-patayo siya ng mansion.

Wow!

All this time, ang daming magagandang nangyari sa buhay niya. Habang ako ang dami kong pinagdaanan.
Naalalala niya man lang ba ako kahit minsan?

Pinakalma ko muna iyong sarili ko sa loob ng sasakyan.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon