Kabanata 39

108K 1.8K 115
                                    

Kabanata 39

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 39

"SINABI ko naman sa iyo na okay lang kahit hindi mo kami sunduin." sabi ko kay Llander pagdating namin sa parking lot.

He just texted me na nandoon na siya kaya naman pumunta na kami doon ni Cherry.

Nagkuhaan kasi kami ng number noong nakaraan dahil nga palagi niyang kinakamusta sa akin si Cherry kapag wala siya. Pero puro ganon lang naman ang conversation namin, about lang sa anak namin at wala ng iba.

Nag-enjoy si Cherry sa paglalaro sa Kidzville. Ang dami niya ding nakilalang bagong kaibigan doon. We also bought alot of toys. Tuwang-tuwa talaga siya.

"It's along the way so no problem." sabi niya.

Kinuha niya mula sa akin si Cherry at sinakay sa backseat ng kotse niya.

He even secured her with a seatbelt.

"You looks so happy, baby." pagkausap niya dito.

"Yes! Mommy and I enjoyed the day." sagot ni Cherry sa kanya kaya napangiti ako.

Ginulo ni Llander iyong buhok niya bago isinara ang pintuan at binuksan iyong sa shotgun seat.

"Doon na ako sa kotse ko." sabi ko sa kanya.

Nandoon na si manong at siya naman ang magda-drive para sa akin. Pinasama talaga siya ni Llander pero thankful na din kasi may nagbuhat ng mga pinamili namin kanina.

"Sakay na, please. Inaantok na si Chea." sagot niya.

He motioned me to get inside his car. Sumilip ako sa loob at nakita ko nga na humihikab na si Cherry kaya sumakay na ako.

Ayoko na ng mahabang conversation. Ayoko na makipagtalo pa.

Nakatulog nga si Cherry sa byahe. Malapit lang naman pero parang ang layo dahil sa traffic.

"Her birthday is in a few days. Do you have any plans?" tanong ni Llander sa akin.

Oo nga pala. She's turning 4 at dahil 3 years ang na-miss kong birthdays sa kanya ay gusto kong bumawi this time. Gusto ko bongga.

"I'll ask her about sa theme. Ako na bahala." sabi ko.

Anything that she'll suggest, I'll definitely give it to her.
Tumango si Llander sa akin.

"Thunder just came back, he's now a lawyer. Our Miss International, Kisha wanted to see you and Doctor Derrick Joss said that he missed you so much. You ghosted them but they understand now why." sabi niya kaya napahinto ako.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon