Kabanata 17

86.9K 1.5K 83
                                    

Kabanata 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 17

SABAY naming naimulat ni Llander ang aming mga mata nang marinig namin ang katok mula sa may pintuan.

Nakabalot kaming pareho ng kumot at tanging mga underwear lang ang suot namin. Iyong mga braso niya ay nakapulupot pa din sa akin.

Alam kong umaga na dahil tumatama na ang sikat ng araw sa may bintana.

Napatingin kami ni Llander sa isa't-isa at sabay na napalunok nang marinig muli ang katok. Mabilis kaming tumayo at pinulot iyong mga damit namin na naibato namin sa lapag at mabilis na sinuot iyon.

He looked at me at kinindatan ako kaya naman naibato ko iyong unan sa kanya.

He chuckled bago siya naglakad papunta sa bintana at doon lumabas, kagabi niya pa iyon plano if ever nga daw na abutin siya ng umaga dito at ito na nga, inabot na nga kami ng umaga.

"Revi?" tawag muli ni Brent mula sa labas kaya naman lumapit na ako sa pinto at binuksan iyon.

I know that I look horrible, with oversize shirt at naka-messy bun lang iyong buhok ko but who cares? Ito naman talaga ako.

"We're going to Kawasan Falls in a few minutes. I just wanna check if nakapag-ayos ka na."

Shocks, hindi ko alam kung kita sa mukha ko ang reaksyon ko sa sinabi niyang iyon. Nakalimutan ko na iyong plano nila.

"Oo nga pala." I bite my lower lip.

He smiled at me.

"It's fine. We'll wait for you sa lobby." sabi niya bago ako iniwan doon.

Mabilis akong kumuha ng towel at pumasok sa cr para maligo.

Nakakahiya. Sampid na nga lang ako dito tapos ganito pa.

After kong magbihis ay lumabas na din ako.

Excited akong makapunta doon sa falls. Hindi ako marunong lumangoy pero sure naman ako na mae-enjoy ko iyong lugar kasi ang dami kong naririnig na maganda nga daw doon.

Uminom lang ako ng coffee tapos ay bumiyahe na kami papunta doon.

It was a long ride pero dahil sobrang ingay ng mga kasama ni Brent ay hindi ko namalayan ang malayong byahe.

Naikwento pala sa kanila ni Brent iyong dream ko na maging isang reporter din. They keep on asking me na mag-apply and some of them gave me tips para sa interviews. Ang babait nila at ang saya kasama. Ganitong gaan iyong gusto ko sa trabaho. Iyong tipong hindi mo naiisip na nagtatrabaho ka kasi gustong-gusto mo iyong ginagawa mo.

At this moment, napapaisip na tuloy ako.

Sobrang gaan kasi talaga nilang kasama na hindi man lang ako nao-OP. Ang saya-saya ng puso ko kasi kahit ilang oras or araw lang ay pakiramdam ko na isa ako sa kanila.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon