Kabanata 13

88.7K 1.4K 42
                                    

Kabanata 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 13

Hindi na ako bumalik sa ospital after ng araw na iyon.
Buong araw ba naman akong inaasar nila Thunder at Derrick kasi baka daw nagseselos nga ako kay Klea.

Sinabi ko na ngang hindi. Sino ba naman ako para magselos? kaibigan lang naman ako.

Agad akong huminto sa paghuhugas ko ng pinagkainan ko nang biglang may kumatok sa pinto.

Sumilip ako doon sa malaking butas at nakita ko si Llander. Nakalabas na pala siya sa ospital pero wala man lang pasabi.

Pinakita niya sa akin iyong beer na hawak niya.
Alam niya kasing sumisilip ako doon sa maliit na butas bago ako magbukas ng pinto. Siya ang nagturo non sa akin para sa safety ko daw.

Dahil nga mag-isa lang ako dito sa apartment ko, he constantly remind me not to open the door hangga't hindi ko alam kung sino iyong nakatok. Lalo na ngayon at gabing-gabi na. Late na ako nakakain kasi kapag uwi ko dito sa apartment ko ay ugali ko munang magpahinga bago kumain.

Tapos naman na akong maglinis ng katawan at itong paghuhugas nalang ang huli kong gagawin bago matulog.

Binuksan ko iyong pinto at agad naman siyang pumasok.

Binigyan ko siya ng duplicate key pero he said that this apartment is my own space kaya he won't barge here kung kailan niya lang gusto pwera nalang kung kailangan talaga.

As much as possible, gusto niya na ako iyong magbubukas ng pinto para sa kanya.

"Nakalabas ka na pala." sabi ko.

Mabilis siyang umupo doon sa sofa.

"Yup. Miss mo ako?" he asked.

Tinapos ko iyong hugasin ko bago ako lumapit sa kanya.

"Kakagaling mo lang sa ospital. Hindi ka dapat uminom."

Aagawin ko sana iyong beer na hawak niya pero nahawakan niya iyong kamay ko at hinila ako dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

"Ano ba!" sita ko.

Kinabahan ako sa ginawa niya. Aatakihin talaga ako sa puso dahil sa lalaking ito.

"Kulang lang ako dito kaya humihina na iyong immune system ko." ani niya tapos pinakita iyong beer sa akin bago ininom.

Iyong braso niya ay nakaakbay pa din sa akin. He get the other bottle at inabot iyon sa akin.

Umiling ako. Ayoko nga. May pasok pa ako bukas. Ang sakit sa ulo niyan kapag gising kaya iniiwasan ko na.

"Isa lang tapos matutulog na tayo." sabi niya.

Wala na akong nagawa kung hindi inumin na lang iyong beer habang nakasandal pa din ako sa kanya at iyong kamay niya ay nasa balikat ko.

He was talking how he felt nitong mga nakaraang araw, ayaw na ayaw niya kasi sa ospital. Kung hindi lang naman siya pasaway na nagpumilit na pumunta sa meeting na iyon noong nakaraan ay hindi siya dadalhin doon.

Alam niya naman ang mayayaman na konting sakit lang ay dapat i-ospital na agad, hindi uso sa kanila iyong 'lagnat lang naman yan, kaunting pahinga lang ay gagaling din iyan'.

I constantly laughing noong napunta sa kung saan na iyong topic namin.

Even iyong mga memes at nakakatawang video na nakikita niya online ay pinapanood niya din sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang hampas na iyong nagawa ko sa kanya na hindi niya naman iniinda kasi tuwang-tuwa din siya.

Hindi ko nga napansin na magka-intertwined na pala iyong kamay niya na nasa balikat ko at iyong kamay ko.

Sabay kaming napaayos ng upo nang mag-ring iyong cellphone niya.

I saw Klea's name on the screen.

Close na close na talaga... nagta-tawagan na.
Inalis niya iyong kamay niya sa balikat ko at kinuha iyon.

He stood up as he answered the phone call.

"Yep. Nandito na sa bahay. I'm feeling better now, need ko lang ipahinga. Yeah, see you." Ayan ang mga narinig kong salita na lumabas sa bibig niya habang magkausap sila.

Grabe iyong pag iingat ng boses niya na para bang isang babasaging bagay si Klea.

He smiled at me nang bumalik na siya sa sofa kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo, ha." Ani ko.
Muli siyang umupo sa tabi ko.

"She's nice." sagot niya naman.

Tumungga ulit siya sa beer niya. Pinanood ko lang siya.

"Birthday ni Yen sa next friday. Invited tayo. If hindi ka pupunta, hindi na din ako pupunta." sabi ko.

Isa sa kaibigan namin noong high school si Yen. May GC pa din kasi kaming lahat kaya naman kasama kami sa invitation niya. Night swimming kasi. OP ako doon kapag wala si Llander since siya talaga iyong mas close sa kanila.

He nodded, "Nabasa ko nga. Let's go there. Miss ko na din iyong mga iyon."

Tumango ako. Sinandal niya iyong ulo niya sa balikat ko at naramdaman ko iyong pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko.

"Meron ako ngayon."

Ngumisi siya.

"I just wanna hug you. Bawal ba?" Inayos niya kaming dalawa hanggang sa makahiga kami sa sofa.

"Let's sleep." he said at mas siniksik pa iyong ulo niya sa likuran ko.

Pumunta lang pala siya dito para matulog. Ayaw niya lang talagang matulog sa kanila.

Pinikit ko na lang din iyong mata ko at natulog na. As much as I want to spend the whole night talking with him ay need kong matulog kung ayaw kong maging lutang sa trabaho ko bukas.

Ilang araw na din akong nasisita ng manager namin dahil lumilipad talaga ang isip ko lately. Ayokong ma-terminate or anything kasi need ko ang trabaho na 'to. Need ko kahit hindi ko gusto.

Pagmulat ko ng mata ko ay wala na si Llander sa tabi ko.

Bumangon ako at nakita kong ang daming grocery items sa may taas ng kitchen counter ko. Tumayo ako at naglakad palapit doon.

Alam kong galing kay Llander ito.

Monthly niya ata akong pinapamili ng mga groceries para may stock daw ako kahit sinabi ko naman sa kanya na kaya kong bilhan ang sarili ko. I stopped doon sa may plastic na may napkins and tampons. Nakita ko na may sticky note na nakadikit doon.

'Bought these for you. Text me when you crave anything.'

Ayan lang naman.

Simple lang naman pero napangiti ako.

He knows my mood swing when I have my menstruation at alam niya din kung gaano ako kalakas kumain.

Kinuha ko iyong note at dinikit doon sa pader sa may working table ko kung saan nakadikit ang napakadami pang sticky note na sinulat niya para sa akin.

Ewan ko kung napapansin niya iyon. Ang ganda kasi ng handwriting niya kaya nanghihinayang akong itapon iyong mga paalala niya sa akin. Sayang naman.

I get my phone and compose a reply to him. Nag-text kasi sya na nasa shoot na siya. Wala man lang pasabi na maaga siyang aalis at ang himbing ng tulog ko na hindi ko man lang siya naramdaman.

'Good Morning. Gising na ako. Ingat ka dyan." I simply replied.

No sweet message kasi baka ma-cringe siya sa akin.
Okay na iyan, okay nang ganito lang.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon