Kabanata 16

90.1K 1.5K 236
                                    

Kabanata 16

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 16

I'VE got a 15 days sabbatical leave starting today but I have nowhere to go.

Llander is in a shooting in Cebu, Thunder and Derrick are busy in school, Kisha has a pageant out of town. Iyong iba ko pang kaibigan ay busy din sa kaniya-kaniya nilang buhay.

I took my phone habang pinapakain ko si Cela ng food niya.

Kinuha ko na siya sa tita ni Llander kasi wala talaga akong magawa, kanina ay nag-jogging kami sa may circle. Nag-grocery na din ako para may stock ako, naglinis na ako ng buong apartment at nilapat ng pwesto ang mga gamit ko para maiba naman pero may gusto pa din akong gawin na hindi ko malaman.

I'm scrolling through my inbox when I saw Brent's name. He hasn't texted me again after iyong araw na nasagot ni Llander ang tawag niya. Alam niya naman na magkaibigan lang kami ni Llander pero alam niya din kung ano para sa akin si Llander but Brent is also one of my closest friend.

Pinindot ko iyong number niya. Matawagan nga ng makamusta naman at baka nagtampo na ito sa akin. Ayoko pa naman iyong feeling na may taong parang may tampo sa iyo.

"Hi." bati ko sa kanya kapag sagot niya ng tawag ko.

"Hi." bati niya din.

Mabait talaga si Brent. Akala ko hindi niya sasagutin ang tawag ko dahil sa mga nangyari pero mali ako.

"Busy ka? Naka-sabbatical leave kasi ako ngayon." Kwento ko.

Baka kasi wala siyang ginagawa, baka pwede ko siyang maayang kumain sa labas. Normal lang naman iyon sa magkaibigan. hindi ba?

"Kinda. I'm packing my things up. We have a team building in Cebu." sagot niya.

Nalungkot ako.

"Ganoon ba?" sagot ko.

Halata ang panghihinayang sa boses ko. Wala talaga akong pwedeng makasamang gumala?nakakalungkot naman.

"Gusto mo sumama?" tanong niya.

Napatingin ako kay Cela at tila nakatingin din siya sa akin at sinasabing 'iiwan mo na naman ako?' kasi naman... ayoko naman na wala akong magawa sa loob ng 15 days, kahit papano ay gusto ko naman na may mapuntahan ako.

"Pwede?" tanong ko.

May pera naman ako. Hindi naman ako magpapabigat sa kanila.

"Why not? Pwede naman." sagot niya.

"Okay. Sama ako." saad ko.

He told me na susunduin niya ako mamaya.

They have a private plane that will send them to Cebu so I don't need to book a flight. Inayos ko iyong mga gamit ko bago hinatid si Cela kila Tita. If pwede ko lang siya isama ay isasama ko siya kaso nakakahiya. Makiki-sabit na nga lang ako sa trip ay magdadala pa ako ng alaga.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon