Kabanata 11

89K 1.5K 36
                                    

Kabanata 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 11

MABILIS akong naligo pagkarating namin sa apartment ko pero sinuot ko pa din pabalik iyong t-shirt na pinahiram sa akin ni Llander.

Napapangiti ako habang tinitignan ko iyong sarili ko sa salamin. Ang cute. Sobrang laki ng t-shirt niya para sa akin.

Pagkalabas ko sa CR, naabutan ko siya na nakaupo sa bago niyang biling sofa. Nakatakip iyong palad niya sa mukha niya na tila ba pagod na pagod siya.

Baliw naman kasi, pwede naman siya umuwi muna at magpahinga pero pinuntahan pa din ako. Naligo pa ng ulan. Ayan tuloy.

"Maligo ka muna bago ka matulog. Magkakasakit ka nyan." sita ko sa kanya.

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at isang tipid na ngisi ang pinakawalan niya.

Ang gwapo kahit antok.

Ang gwapo palagi.

Kinuha ko iyong towel niya at inabot iyon sa kanya pagkatayo niya mula sa sofa.

Pinanood ko siya hanggang sa makapasok na siya nang tuluyan sa loob ng CR bago ako pumunta sa kusina ko para magluto.

Sopas na lang since kumain naman na ako kanina atsaka paborito niya itong iulam sa kanin kaya nagsaing na din ako. Masarap din naman kasi. Sa panahon ngayon kailangan talaga namin ng mainit na sabaw. Sobrang lamig sa labas, magu-umpisa na siguro ang tag-ulan.

Pagkalabas ni Llander sa CR ay naka-jogger pants lang siya at topless.

Napatulala ako habang pinapanood ko kung paano niya punasan ng maliit na towel ang buhok niya. Napailing ako sa sarili ko. Ano bang nangyayari sa iyo, Revian? hindi ba nga sure n? Na bestie lang talaga?

"Kanina pa tumatawag sa iyo iyang si Brently." sabi niya nang makalapit siya sa kitchen counter.

Umupo siya sa chair sa tapat ko habang hindi pa din naalis ang tingin niya sa phone ko na kanina pa nagri-ring doon kaya nabaling din doon ang atensyon ko.

10 missed calls, kanina pa nga tumatawag. Hindi ko napapansin kasi nakafocus ako sa niluluto ko. Ayoko naman na pumalpak 'to. Minsan na nga lang ako magluto, e.

"Ah." sabi ko.

Kukunin ko na sana iyong phone ko para sagutin pero mas nauna niyang nakuha iyon at sinagot.

"Hello?" bati niya dito.

Kita ko iyong pag-angat ng isang kilay niya. Ang hilig niyang gawin iyon lalo na kapag naiinis siya or hindi siya sang-ayon sa mga nangyayari.

May vibes talaga siya na parang possessive or territorial men kagaya ng nababasa ko sa mga libro. Intimidating, sobrang gwapo, clingy na seloso.

Ang daming rason para maging marupok sa isang Llander Gian Evangelista. Patay na talaga ako, iba na 'to.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon