Kabanata 42

105K 1.8K 100
                                    

Kabanata 42

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 42

"MOMMY, have you seen daddy?" tanong ni Cherry sa akin pagpasok niya sa kwarto ko.

Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga damit. Umupo siya sa tabi ko. Mas lumaki na siya lalo, at habang lumalaki siya ay mas lalo siyang gumaganda.

Sinabi nga ni Kisha na ite-train niya si Cherry para maging beauty queen din ito sa future at tuwang-tuwa naman siya.

She keeps on saying 'Cheantal Valerie Reynoso Evangelista, Philippines!' whenever she feels like it. Ang cute.

"Maybe he's still on shoot. Alam mo naman ang daddy mo, busy iyon palagi." sagot ko sa kanya.

Hindi ko pa din kasi nakikita iyong isa. Simula noong nangyari sa birthday ni Cherry, hindi ko na siya nakita.
Alam ko naman sa sarili ko na tama ang desisyon ko pero nagi-guilty pa din ako.

I declined him in front of many people, not just normal people but in front of our friends and families. Natakot kasi ako. Ayoko namang um-oo lang ako sa kanya dahil napilitin ako. Hindi ganoon ang dream proposal ko.

"He never been gone this long because he knows that I'll miss him." ani ni Cherry at kita sa mukha niya ang lungkot kaya naman kinuha ko ang mukha niya at pinisil ang pisngi niya.

"Uuwi din siya. You should sleep early, malay mo bukas nasa tabi mo na siya." sabi ko sa kanya kaya napangiti siya pero malungkot pa din.

"Really? You go call him and tell him to go home na. Mag-sleep na ako, Mommy." paalam niya.

Tumango ako sa kanya. She kissed my cheeks before she said goodbye to me at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Hindi na siya tumatabi sa akin kasi big girl na daw siya.

Bilang pangako ko sa kanya ay tumawag ako kay Llander pero hindi siya sumasagot sa tawag ko.

I just leave a message for him and told him na hinahanap na siya ng anak niya.

I finished some script kasi hindi ako makatulog. Gusto ko mang i-deny sa sarili ko pero inaantay ko talaga iyong reply ni Llander. Ano ba naman iyong sabihin niya na busy siya kaya hindi siya makakauwi? Hindi niya man lang ba naisip na may naghihintay sa kanya dito? Hindi naman na siya bata para magtampo dahil lang hindi niya nakuha ang gusto niya.

Bumaba ako para kumuha ng tubig. Naubos na iyong tubig sa tumbler ko at nauuhaw talaga ako. After kong mapuno iyon ay aakyat na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Llander habang inaalalayan siya ni Derrick.

He's drunk.

Gumegewang-gewang siya sa paglalakad nila, iyong polo niya ay halos mahubad na at namumula ang mukha niya.

"What happened to him?" tanong ko.

"He's always in my unit at doon umiinom. He smashed almost all of my things." reklamo ni Derrick bago inalalayan si Llander paakyat ng hagdan papunta sa kwarto nito.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon