Kabanata 32

109K 2K 479
                                    

Kabanata 32

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 32

"TALAGA? Anong reaksyon niya nang makita ka niya?" tanong ni Lyle nang kwinento ko sa kanya iyong nangyari sa akin kahapon.

Dinalaw ko kasi siya sa bahay niya dahil linggo naman. Wala kasi akong magawa ngayon at itong si gaga, gustong magpa-chismis.

Bagay nga sila ni Brent! Iyong isa reporter, maraming nasasagap na chismis, itong babae naman na ito ay matakaw sa chismis.

Ipu-push ko talaga ang love team nila kahit anong mangyari.

"Wala. Normal. Parang hindi kami magkakilala." sagot ko sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

Mas okay na din, no hard feelings. He talks about me as someone from his past but he was happy naman na daw kasi there's a girl who's making his life happier na.
Meaning, past is past na. Need mag-move forward.

"Talaga? Parang noong pumunta siya noong nanganak ka, halos mamutla siya sa sobrang pag aalala." sabi naman ni Lyle kaya napatingin ako sa kanya.

Napatigil ako sa paginom ko ng kape nang marinig ko ang sinabi niya.

"Ano?" tanong ko kasi baka mali lang ako nang narinig.

"Kasi, hindi ba? Wala akong ibang mahingan nang tulong noong araw na iyon, pinapapili ako ni doctora sa inyong dalawa ng anak mo. Siyempre ayokong magdesisyon noon mag-isa kaya tinawagan ko siya. Pumunta siya, alam niya iyong nangyari sa iyo at sa anak mo." sabi niya naman.

Namutla ako lalo.

"Sorry, Revi. Tinago ko sa iyo kasi alam kong magagalit ka sa akin pero now, hindi na kaya ng konsensya ko na itago. He was there. Alam niya lahat." dagdag niya na napahawak pa sa kamay ko at tila maiiyak.

Sinabi ko kasi talaga na magagalit ako sa kanya kapag pinaalam niya kay Llander pero ibang sitwasyon naman ang araw na iyon.

Alam niya pala...

Alam niya iyong paghihirap ko? Alam niya iyong naranasan ko? When he said he saw my struggles he really saw my struggles pero bakit ganoon?

Bakit parang wala man lang siyang ginagawa para sa akin?

"Revi, wag kang magalit sa akin, ha? Iniisip lang kita at ang anak mo." dagdag niya.

"Ay, siya. Oo nga pala, babayaran ko na iyong in-order kong bag sayo." sabi ko nalang para mabago iyong mood kasi ayoko nang pag usapan pa iyong nangyari.

Sapat na na nalaman kong alam niya pala at wala siyang ginawa para sa akin.

Sapat na iyon para wag na siyang isipin pa. Masaya na siya, masaya na ako. Okay na iyong buhay ko ngayon kaya bahala na.

Kukunin ko sana iyong wallet ko sa bag ko pero hindi ko makita doon.

Kinalkal ko pa ulit iyon pero wala talaga.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon