Kabanata 43

112K 2.1K 166
                                    

Kabanata 43

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 43

A couple of week passed and almost everyday ay nakaka-received ako ng bouquet ng flowers.

Nagtataka na nga iyong mga kasama ko kung kanino nanggagaling iyon.

Bouquet iyon ng hydrangea which is associated with heartfelt emotion, gratitude and apology. Mostly, nabibili pa daw ito sa baguio or tagaytay kasi sa malamig na lugar lang siya tumutubo.

I really love it, ang rare kasi and ang gandang tignan.

"Wow! grabe talaga ang manliligaw mo, Revi! walang pinapalampas na araw." sabi ni Aia habang tinitignan iyong bulaklak sa taas ng table ko.

Nandito ako sa dressing room ngayon at nagpapa-make up.

I'll be the main anchor for tonight kaya need ko talagang maging maganda. Ang tagal ko kayang hinintay 'to tapos makakatabi ko pa mamaya iyong mga iniidolo ko lang noon.

"Sino kaya iyan ano? Artista siguro?" asar ni Renji, iyong make-up artist ko at tinitigan ako mula sa salamin.

Nginitian ko lang siya.

"Haynako! Ang haba talaga ng buhok ng alaga ko! Aia, diba? kinababaliwan ng mga artista." sabi niya pa.

"True, malaman ko lang kung sino iyan. Ibebenta ko talaga ang headline sa mga chismosa." sagot ni Aia at nag-appear pa silang dalawa.

"Kayo talaga, sa itsura kong ito? Hindi ako pasado sa mga standard ng mga iyon, ano." sabi ko.

Kinuha ni Renji iyong mukha ko.

"Ikaw ang pinaka-magandang reporter sa station na ito at nakakairita na hindi mo alam iyon." komento niya.
Tinignan ko iyong sarili ko sa salamin. Hindi talaga ako makapaniwala sa itsura ko. I look different with make up, iyon lang 'yon.

Hindi talaga ako nagagandahan sa sarili ko kahit ilang beses na nila akong sinabihan. I feel so normal, commoner ang itsura kung baga.

"Wag mo na nga akong binibiro, Renj! Tapusin mo na nga ito. Ayokong ma-late sa opening." sabi ko.

Nagpaalam na si Aia sa amin dahil in charge siya sa script. I took a mirror selfie and post it on my IG. May public IG account na din ako and it has almost 50k followers na as of now. Some people says that they are my fans and I can't believe na makakakuha talaga ako ng supporters as a reporter.

@LlanderEvangelista:
Ang ganda mo.
Goodluck, honey.

It was just a private message and I need to check his account kasi hindi ko alam na fina-follow niya pala ako dito.

I followed him back kasi nakakahiya naman na hindi siya i-follow. I mean, million followers na din siya tapos akong may 50k lang tapos hindi ko siya ifo-followback? Ang swerte ko naman. Baka magwala ang mga fans niya kapag napansin nila.

Magre-reply sana ako kay Llander pero tinawag na ako. Binalik ko iyong phone ko sa bag ko. Medyo kinakabahan ako pero hindi naman ito ang first time ko.

Ganito ata talaga ang trabaho kapag nasa harap ka ng camera at live pa, you'll be conscious on how you look and how you'll say the things you need to say kasi anytime pwede kang magkamali at recorded iyon, mapapanood ka ng maraming tao in television and social medias nationwide and pwede ding worldwide but I am happy kung nasaan ako ngayon.

Ito ang gusto kong trabaho, e.

Kahit mahirap at least gustong-gusto ko. Bumabangon ako sa umaga kasi looking forward ako sa mga mangyayari sa trabaho ko. I got to work with the people I admire the most, I got to meet people I've never thought I'll meet personally. Iyong mga dating napapanood ko lang sa TV ay nakakasalamuha ko na ngayon. Ito talaga ang matagal ko nang pangarap.

"Finally, natapos din." sabi ko pagbalik ko sa dressing room ko.

Gosh, halos hindi ako makahinga habang nagbabalita pero na-survive ko naman. Grabe talaga kasi ang fulfilling ng trabaho na 'to.

"Revi, dali! Punta tayo sa kabilang studio. Nandoon daw si Llander and Klea." sigaw ni Aia sa akin.

Napapatili pa siya kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Sige na, My God! Gustong-gusto ko talaga sila makita nang malapitan. Kasama kaya ako sa fandom nila." sabi niya pa tapos ay hinila ako kaya wala na akong nagawa.

Pagpasok namin ay nagi-start na ang interview nila.
Ang daming tao at karamihan doon ay fans ng love team nilang dalawa. Tumayo kami ni Aia sa gilid ng camera man dahil kilala niya naman iyon. Grabe ang tilian tuwing magsasalita si Klea at Llander. Their loveteam indeed dominate the whole country. Ang lakas naman kasi talaga ng chemistry. Sobrang bagay nilang dalawa.

"So, what's the real score between the two of you? You've been love team for more than 4 years now? And alam naman natin na halos lahat ng love team dito ay nagkakatuluyan talaga in real life. Next na kaya ang Kleander?" tanong ni Wella, iyong host.

Nagsigawan na naman iyong mga tao sa paligid. Nahampas pa nga ako ni Aia dahil sa kilig niya.

"Actually, both Llander and I decided to be just friends" dama ang dismaya ng mga tao nang marinig iyong sinabi ni Klea.

"We believe that our bond will be more stronger if we don't catch feelings with each other and I guess na we should normalize it naman, na hindi lahat ng love team nagkakatuluyan talaga." ani niya.

"Me and Llander have life behind the camera and actually can have a relationship outside our love team. Itong love team na 'to, ang kaibahan namin sa iba ay hindi kami nagpapadala sa dikta ng mga tao sa paligid namin. We're both respecting each other's life decisions and feelings." sabi pa ni Klea.

And everyone are shouting na they want them together, na hindi sila papayag na hindi sila magkatuluyan. Nakakapagod naman silang marinig, bakit hindi nila kayang irespeto iyong desisyon ng mga tao.

"I already have a boyfriend and Llander has this special someone already. We are both happy and if people genuinely support us, I guess they'll still support us no matter what." sabi pa ni Klea.

Tahimik lang si Llander sa tabi niya.

"OMG, is this the end of the Kleander Loveteam?" tanong ng host.

"No, we will still accept projects together. Mas komportable kami sa isa't-isa." sagot naman ni Llander.

Madami pang tinanong ang host sa kanila pero nabaling ang atensyon ko kay Aia na nagra-rant sa tabi ko.

Baliw na baliw kasi ang isang ito na tila kasama sa mga kulto. She keeps on manifesting na sana ikasal ang dalawa pero hindi ko naman siya masisisi kasi iba naman kasi talaga iyong kilig na binibigay ng dalawa sa mga tao.

Ang galing nilang mag-fanservice na ang dami nilang napaniwala talaga.

"Sayang, akala ko pa naman real score na sila. Sino kaya ang special someone ni Llander? Ang swerte niya, ha! Pangarap kaya ng lahat 'yan." reklamo pa ni Aia sa tabi ko.

Napako iyong tingin ni Llander sa akin nang makita niya ako.

"She must be very pretty and smart and perfect, she must have it all kasi, hindi ba? Mandiyan na nga si Klea sa tabi niya pero iyong girl pa din ang pinili niya. I'm so curious about her na tuloy, ii-stalk ko talaga siya mamaya para malaman..."

Tinaasan ko siya ng kilay. Napahinto si Aia sa reaksyon ko at tinignan iyong tinititigan ko.

"I love you" Llander mouthed.

Nanlaki ang mga mata ni Aia sa tabi ko at tinuro ako.

"OMG! Ikaw, Rev!" tinakpan ko iyong bibig niya kasi ang daming makakarinig sa kanya.

Gosh! Ang daming fans ng Kleander sa paligid, baka hindi na ako makalabas ng buhay dito.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon