20. Let Go

3.3K 185 27
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


IT'S BEEN a week, and Rico's last text was, "I'm into trouble right now. Family thing. If I didn't send some updates, maybe I'd get into an argument with the girls in my family. They all want me dead right now."

And that was four days ago.

Hindi ko na sure kung joke ba ang sinabi niyang gusto siyang patayin ng pamilya niya or what. But based on his messages, he really looked like he was in trouble.

Sumimple nga ako ng tanong kay Mel para matanong niya si Calvin, just in case lang na pinagtitripan ako ni Rico, but he said, "Kapag involved na si Tita, wala na kaming magagawa. Hintayin n'yo na lang matapos 'yan."

So, I guess he was really in trouble. Concerned din naman ako at gusto kong alamin ang nangyayari sa kanya . . . but him being a Dardenne would always be a hindrance for me to check his whereabouts.

Nasa office ako at pinag-aaralan ang consolidated expenses ng Purple Plate. Maganda ang figures na meron ang branch ko sa Roxas Boulevard, and I started to think kung ilan ang madadagdag dito once na magkaroon na ng Cebu branch.

"So!" Nagpakita na naman si Melanie sa office ko at agad na dumeretso sa table kung saan ako gumagawa ng trabaho. "Break na kayo ni Mr. Dardenne?"

Umayos ako ng pagkakaupo paglapit niya. "Mel, agreement lang 'yon."

"Ay, wow. Jae, ang kape, nasa kitchen, bakit nasa 'yo ang pait?"

"Melanie!" Binalikan ko na ang binabasa ko. "Sobra ka."

"OA, girl! Parang hindi naghanap, tse." At kahit hindi ako nakatingin, I know na umikot na naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. "By the way, Arthas called. He was asking if nandito ka ba. Hindi mo ba dala ang phone mo?"

Napahinto ako sa ginagawa at nagtatakang tiningnan si Melanie. "Tumawag sa 'yo?"

"Yeah. Tinanong ko nga kung bakit ako ang tinawagan niya kaso hindi ako sinagot nang deretso."

I took my phone inside my black slacks and checked my call logs. Walang kahit anong call or text kay Arthas.

Bakit siya tatawag kay Melanie para itanong kung nandito ako kung puwede namang itanong na lang niya sa akin nang direkta?

"Jae, alam mo, nakakaumay na ang issue ninyo ni Arthas." Umupo siya sa upuang nasa harapan ko. "Ang obvious nang type ka nito, ha! Ayaw mong bigyan ng second chance?"

"Mel, may Myles na siya, di ba?"

"Jaesie, kung talagang mahal ka ni Myles, dapat hindi niya kinuha sa 'yo ang lalaking mahal mo kasi ang obvious na ng situation. And sana, hindi mo rin ibinigay dahil lang sa assumptions mo. Ang tanga mo rin kasi sa love life. 'Kainis kayong dalawa."

"Mel, yung amin—"

"Wait."

Napatingin agad si Melanie sa hawak niyang phone. Mukhang may tumatawag sa kanya. Mas inuna pa niyang sagutin 'yon kaysa pakinggan ang sagot ko.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon