50. Barkada Trip

3.4K 205 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SA TOTOO lang, ayokong sabihin kay Rico na nangialam ako ng phone niya para sagutin si Clark. Maliban sa magagalit siya, malamang na mag-aaway kami. Ang kaso, mukhang hindi ko maiiwasang malaman niya ang tungkol doon lalo pa't ilang oras na lang ay magkikita-kita na sila ng barkada niya.

Weekend. Sabado ng umaga, at sobrang aga na ng six a.m. para sa biyahe kahit na ang usapan ay after lunch ang meeting time sa Calatagan. Reasonable naman ang biyahe ng alas-sais kung kalaban ay traffic. Pero kasi, feeling ko, mauuna talaga kami.

Ayoko sanang magdala ng maleta pero si Rico na ang nag-insist na magmaleta kaming dalawa. Yung dala niyang damit, pang-apat na araw na samantalang two days lang kami sa bakasyon. Ang laman ng duffel bag ko, tatlong T-shirt, dolphin at denim shorts, bikinis, mga underwear, saka dalawang maxi-dress, and toiletries. Si Rico, parang nagdala pa yata ng laruan niya sa laki ng maletang ayokong silipin ang laman. Hindi naman sa wala akong pakialam, pero baka kasi hindi ko na maisara kapag binuksan ko. Kapag talagang si Mr. D ang laman n'on at ang inflatable Snorlax niya, talagang pagtatawanan ko siya buong maghapon.

Sa White House daw ang meeting place. Akala ko, hotel. Requested daw ng girlfriend ni Calvin na mag-White House since may property naman daw pala sila sa Calatagan. Ayos lang naman sa akin, as if namang ako ang nag-decide na sumama ako.

First time kong makita si Rico na suot ang malaking thick-framed eyeglasses niya habang plain white tee na super laki at cotton shorts lang ang suot sa labas ng bahay. I mean . . . bibiyahe kami na nakapambahay lang siya. And there I was, wearing a plain pink maxi dress and sunglasses na mukha akong bakasyunista. Hindi ko gets ang trip naming dalawa pero go lang. Nakaalis na kami, e.

"Are you sure na okay lang makita tayo ng barkada mo?" tanong ko kay Rico habang nasa biyahe kami.

Nasa toll way pa lang kami at nagsisimula pa lang mag-ipon ang mga sasakyan para sa pila.

"Ayos lang naman. Why? Takot ka?" pang-asar niya.

"Mukha mo, nakakatakot," sabi ko sabay irap.

Hindi namin pinaghandaan ang weekend kung tutuusin. Focused kasi talaga si Rico sa work niya sa Purple Plate. Hindi ko nga lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang trabaho niya kahapon since when it comes to inventory ng ingredients and menu, mas marunong pa siya sa akin.

Before siya mag-volunteer as OJT, nahahawakan na niya ang inventory to check the café's ingredients since part 'yon ng agreement namin after niyang maisipang maging investor. So, ang hirap magturo sa taong mas maalam pa sa 'yo when it comes to food. Kaya hindi na ako nag-interfere, sila ni Shiela ang nag-usap whole day.

The sun shone brightly, and I must say, maganda nga talagang mag-beach sa magandang araw. Ang linis ng langit, asul na asul. Half past seven nang makarating kami sa Dasma since naging mabilis ang biyahe. Nakakasabay namin ang mga bus papuntang probinsiya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon