66. The Father's Deal

3.8K 200 6
                                    

Wala lang sa akin ang award ko last October sa isang business summit. I mean, yes, I was awarded as one of the Outstanding Young Entrepreneurs of the Year. May nakuha akong trophy and certificate. Naka-display iyon sa office ko sa Purple Plate. After that awarding, wala namang nagbago sa café ko. Business days as usual.

Although noong awarding mismo, nakatanggap ako ng proposal since isa ang Purple Plate sa nag-serve ng products sa awarding ceremony.

Aware ako sa Business Circle, pero hindi ko gustong ilebel ang sarili ko sa kanila since sa aura pa lang, masasabi ko nang sobrang layo ko pa sa kanila. Their presence spoke of elegance and royalty. Something I definitely wanted to achieve, but it would cost me too much, literally.

Nasa isang buong mesa silang kailangan kong hainan ng kape. And yes, isa ako sa server. It was our way to introduce our products as the owners and present to them the reason why we deserved the title.

They all loved my coffee. And they should be. Gusto ko talagang magustuhan nila dahil sila ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng award.

And there was this man in his early fifties. He didn't look old. His hair was partly dyed black at nagpapakita na rin ang silver parts sa bandang anit. Malaking tao, and he looked Caucasian, yet may ilang features siyang masasabi kong galing sa local blood, but not prominent. He was dressed in a black Armani suit, and the vibes of being at the top of the food chain were palpable. Hindi maikakailang magandang lalaki mula pa noong kabataan niya at nabuhay sa marangyang pamilya.

"This coffee is delectable," he praised. And of course, sino ba ang hindi papalakpak ang tainga kung pinuri ng mataas na tao ang product mo? Lalo pa, isa sa council. Sila ang nagbigay ng award, sila ang nagdesisyon kaya ako may award.

Kapag naaalala ko ang papuring iyon sa kape ko, pakiramdam ko, deserve ko talaga ang lahat ng ito.

"Miss Jae, ayos ka lang?" Pag-angat ko ng tingin, nag-aalalang mukha ni Leila ang nakita ko. "Namumutla ka. Gusto mo bang magpahinga sa office?"

Napahugot ako ng hininga at sinuntok-suntok nang mahina ang magkabilang hita ko para gisingin dahil talagang babagsak ako kung pipilitin kong tumayo.

Rico's mother went to give me this gold invitation. And it really means a lot to me. Hindi lang ito piraso ng eleganteng papel.

Invitation as an awardee.

A second-year awardee.

And hailed as . . . oh my gosh. For real?

"Pahingi ng tubig," sabi ko habang pilit na kino-compose ang sarili. This wasn't the first time, pero ang taong hindi ko alam kung kaya ko bang kausapin mag-isa ang nagdala ng invitation; ang taong hindi ko napagplanuhan kung paano haharapin kasi ilang buwan din akong umasang makikita ko siya nang kasama si Rico; ang . . . yang ina ng asawa ko ang personal na pumunta para imbitahan ako.

And what was more shocking?

She asked me to call her mum!

WHAT. THE. HELL?

"Miss Jae, water po."

I wished Melanie was here. Kung hindi, may aalalay sana sa akin sa high moment ko. Tatlong lagukan lang ang cold water sa akin.

"Miss Jae, gusto mo na bang pumunta sa ospital? Leila's questions were too innocent. Nagpapasalamat ako kasi di-hamak na mas maayos ang makeup niya compared sa akin. Kung alam ko lang, sana nag-eyeliner din ako gaya niya. At least, alam na ni Malevolent Mum na hindi mukhang cheap ang mga staff ko.

"Good afternoon, guys!"

Parang hinatak ako patayo ng boses na iyon, at ang pinoproblema kong panlalambot ng tuhod, biglang nawala.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon