Rico's another way of saying I love you is telling me he is so proud of me. At higit na lalo ako para sa kanya.
I couldn't put the word 'just' beside his name because he is not just Rico. He is Ronerico Dardenne, and everyone at the business summit knew him as if he was their favorite son and friend of the crowd. And if they didn't know him, as Rico always says, they should have.
I have been watching him since he started blending with the crowd. Sabi ko pa sa sarili ko, "Sabi na, iiwan na ako nito kasi hindi pa niya ako ipinakikilala sa circle niya."
Kasi pumupunta siya sa gitna ng maraming businessmen na nagkukumpulan 'tapos makikipagtawanan din kalaunan—which I was expecting mula pa pagdating ko.
Pero gusto ko na talagang magmura mula pa kanina kasi nagbe-blend in talaga siya sa crowd 'tapos ilang sandali lang, tangay-tangay na niya ang kausap niya sa stall namin!
Para siyang promodizer na sirang plaka sa paulit-ulit niyang linya na:
"This is Jaenna Rosenthal."
"I'm her husband."
"You should try our coffee!"
"This is good for you."
"You can visit our branch along Roxas Boulevard!"
"Yes, I'm here to support my wife!"
At hindi ko alam kung mahihiya ba ako, maiilang, magiging proud, magyayabang, or what. Para siyang batang nagmamalaki ng laruan niyang bagong bili.
Alam kong may ganito siyang ugali na mahilig siyang magyabang ng isang bagay sa ibang tao na para bang siya lang ang mayroong ganoon sa buong mundo, pero ang weird pa rin sa feeling na ang "bagay" na iyon ay ako.
Nangangalahati na ang nababawas sa servings namin for 400 pax. Half past 7 p.m. na at nagsimula na ang event. 8 ang simula ng awarding ceremony kaya before that time, kailangang nasa table na kami.
"Grabe, girl, yung asawa mo, puwedeng member ng Budol-Budol Gang. Paubos na ang first batch ng cupcakes ko. Kung alam ko lang, sana dinamihan ko na."
Napatingin ako sa kanang gilid para makita si Melanie na nakasunod ang tingin kay Rico na nakikikumpol na naman sa isang grupo ng mga babaeng magaganda ang bihis. May mga kaedad namin, may ibang mas matanda pa.
Kung hindi ko lang alam ang pakay niya, malamang na nagselos na ako. Hindi niya kasi ako tinatangay roon. Iniiwan lang niya ako sa stall 'tapos siya ang parang pied piper na umaakit ng potential client papunta sa akin.
"Ang daming kilala ni Rico dito, 'no?" sabi ko habang nakakrus ang mga braso at inaayos ang tindig dahil ilang oras din akong nakatayo at palakad-lakad.
"Sobra, girl. 'Tapos mukhang mga may ka-ching pa ang mga dinadala niya rito sa stall."
"True. Hindi ko na nga mabilang kung magkano na ang ine-estimate niyang investment sa café."
"Gusto ko rin ng Rico 2.0. Tanong mo nga kung may barkada 'yang gaya niya."
Natawa ako at natapik si Melanie sa balikat. "Mel, alam mong sina Patrick ang barkada niyan, di ba?"
"Ay, shit, oo nga pala!" Nasapo niya agad ang noo nang maalala ang Alabang Boys. "Paano pala niya naging kabarkada ang mga 'yon e mga walang plano sa buhay sina Pat? Hindi ko ma-imagine. Ang KJ siguro niyan sa barkada."
Natawa na lang ako nang mahina roon. "Tell me about it."
Pareho kaming napatayo nang deretso ni Melanie nang lumapit si Rico sa amin na may tangay-tangay na namang ginang.
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
ChickLitAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...