64. Insecurities and Invalidation

3.7K 224 32
                                    

I tried to analyze Rico's sudden shift in mood, and his poker face meant too many answers—and those answers were inclined on the bad side. Nakababa kami sa tapat ng bukas na chapel. Maliit lang iyon, kagaya ng chapel kung saan naglilingkod si Father Adam. Bukas pero walang misa. May ilang tao pa naman sa loob, karamihan ay may dala-dalang kandila papunta sa kaliwang gilid kung saan puwedeng magtirik.

"Ingat, guys!" paalam ni Patrick.

"Hindi ka sasama?" mabigat na tanong ni Rico, and at that second, he seemed like he was asking for a fight rather than an offer of a solemn hour with God.

"Bro, alam mong hindi ako madasalin." Patrick smirked and pointed his index finger at me. "Inalok ko lang si Jaesie." Sumaludo lang siya at lumiko na sa kanan papunta sa loob ng subdivision kung saan nakatira ang mommy niya.

Sinilip ko ang mukha ni Rico, at mukha talaga siyang bad trip kay Patrick. Kung nagseselos siya sa ex ko, okay, reasonable. But we didn't look like we were flirting in front of him, either. Or so I thought.

I've been with Rico since last month. Although, nakuha na nga naming makapag-make out last year kaya hindi ko rin masasabing sobrang bilis ng one month. At naalala ko ang ibang kaibigan na nagtatanong kung talaga bang pakakasalan ko siya kasi sobrang bilis ng isang buwan for a getting-to-know each other stage. Mukha na nga kaming sina Anna at Hans ng Frozen. Although, somehow, Rico was more like Kristoff at some point. Sinasalo lang niya ako kapag tangang-tanga na ako sa mga desisyon ko sa buhay. But the rest? He let me handle those issues on my own. Hands off siya hangga't kaya ko pang kontrolin ang situation.

Pero sa mga sandaling ito, hindi ko eksaktong alam kung ano na naman ang issue sa pagitan naming dalawa. We used to argue every day. Feeling ko nga, nabubuhay na lang kaming dalawa para magtalo araw-araw. But not the toxic type na ultimo nonsensical things, pinag-aawayan na. Mas lamang ang personal issues na kailangang i-address para ma-settle mula sa root cause hanggang sa current issue. Para kaming araw-araw na may brainstorming kaysa away mag-jowa.

Behave si Rico hanggang matapos ako sa pagdadasal at makapagtirik ng kandila sa tabi ng simbahan. Kahit sa sasakyan, tahimik pa rin siya. At tahimik lang siya kapag may hindi siya gusto pero ayaw niyang pagtalunan—o kapag alam niyang talo na agad siya kapag pinagtalunan namin. Araw-araw na kaming magkaaway kaya ang slow ko na lang kung hindi ko malaman ang sequence.

And besides, kapag nagtanong ako at sinabi niyang nagseselos siya dahil kay Patrick, babalik sa kanya ang salita niya since kaya niyang i-verify sa sarili niya na nananahimik si Patrick at wala naman talagang "something" sa amin ng kabarkada niya na nakakaselos. Maliban na lang kung offended siya sa sinabi ni Patrick na "Hindi ko kasi kinakalimutan." Since nakalimutan niyang i-remind ako na kailangan kong magsimba. Iyon lang kasi ang awkward na narinig ko kay Patrick sa lahat ng sinabi nitong huli.

Gusto ko sanang magtanong kaso masyado talaga siyang scary. I mean, nararamdaman ko naman ang aura ng taong ayaw akong kausapin. Yung imaginary circle na kapag pinasok ko, magwawala agad siya in an instant. At ayokong ipilit ang sariling opinyon ko sa kanya kasi kapag ako ang ganito, binibigyan din naman niya ako ng breathing space para hindi magsalubong ang galit naming dalawa.

Mahaba ang biyahe. Itinulog ko ang tanong ko kung bakit tahimik siya. Hindi niya ako ginising, at kusa na lang akong nagising sa padabog na pagsara ng pinto ng sasakyan. Not sure if he intentionally did that to wake me up or what. Hindi naman kasi siya nagbabagsak ng pinto ng kotse.

Paglabas ko para kunin ang gamit ko sa trunk, naabutan ko na lang siyang nakasukbit na sa kanang balikat ang backpack ko at hatak-hatak na ang maleta niya. He clicked his remote keyfob and the car beeped to lock.

Ni hindi man lang ako nilingon, napakagaling. Nagtatampo nga talaga.

Monday na, technically, so we were supposed to stay in my condo. And Rico's silent treatment was making my comfort zone uncomfortable. Inilagay niya ang maleta niya sa tabi ng entrance pagkatapos ng pinto, sa gilid ng side table. Ang backpack ko, inilapag niya sa sofa. Dumeretso siya sa kusina at nagbukas ng ref para kumuha ng tubig.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon