Feeling ko talaga, gusto na kaming batuhin nina Tammi kanina kasi ang tagal naming hindi maka-move on ni Rico sa pagtawa. Napagkasunduan tuloy na imbes magluluto pa sana sa beach sa lunchtime, bumili na lang kami ng luto nang inihaw at rice sa daan kasi kami ni Rico ang nagpatagal sa last part ng morning photoshoot.
Kasalanan ni Rico, patawa kasi nang patawa.
Pero nang makarating kami sa rest house sa tapat ng beach, napansin ko ang mga tingin nila sa amin ni Rico. Klase ng tingin na parang may nasagot na tanong. 'Yon lang, hindi ko alam ang tanong, pero mukhang naibigay ko ang sagot.
Mga T-shirt and shorts people na kami after ng morning photoshoot. Iniwan namin sa bagong rest house ang mga gamit namin. Pero kompara sa White House, hindi na kami naglibot kasi dumeretso na kami sa malapit na cottage para kumain. Up and down ang rest house, pero ipinasok na lang namin ang mga gamit sa first floor. Gaya nga ng sabi ni Clark, may mga pasok na kami bukas kaya pagdating ng gabi, kailangan na naming umuwi lahat.
"Dapat bumili na lang pala tayo ng inihaw yesterday," sabi ni Rox. "Mas masarap ang bangus saka tilapia nila rito."
"Sa true!"
Gawa sa bamboo ang cottage. Para lang itong shed na puwedeng buhatin ng mga tao. Kasya ang sampung tao sa loob kung uupo, at ang sobra, kailangang sa labas na lang o kaya tatayo.
Ang isa sa mga nakakatuwang part ngayon ng outing na 'to, lalo kong naramdaman na hindi na picky ang boys. Show off kasi talaga sina Patrick ever since lalo na kapag may chicks kaming kasama. Talagang hindi sila nakakakain nang nakatayo. Puro sila mga nakaupo at nakakubyertos. Saka hindi sila kumakain ng hindi meat. Kailangang chicken, barbecue, o kaya hotdog. Yung hindi komplikado kainin na nakakawala ng poise. Pero ngayon? Ayun sila, nakatayo sa haligi ng cottage, nagkakamay sa dahon ng saging na nakapatong sa woven plate. And even Clark na sobrang arte talaga sa inilalaman sa bibig niya, nakikipag-agawan ng kamatis at sibuyas na palaman sa tiyan ng bangus.
Hindi sila ganito noong ako pa ang "special someone" nila. At habang iniisip ang tungkol doon, noong ako pa ang fling nila, ang dami nilang tinatangay na babae. 'Yon bang mga nakilala lang nila somewhere else tapos inalok lang sumama para masabing may naaya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Rico tungkol sa pandesal. Ang laki kasi ng relevance.
"Clark, pa-drink naman!" sabi ni Wynn at kinuha ang iisang basong ininuman ng tubig ni Clark.
"Rox, what time magtse-change ulit?" tanong ni Will habang nagsasalin ng soft drink sa disposable cups.
"Habol tayo ng four," sagot ni Rox bago isubo ang kinakain niya. Ilang saglit pa, may iniluluwa na siyang tinik at sinalo 'yon ng kamay.
Hindi ko na makita ang "rich kids" vibe sa kanila. Habang pinanonood ko silang lahat, hindi ko masasabing mga nakikipagpustahan ng daang libo 'tong mga 'to. Hindi rin sila mga mukhang professional. Mukha lang silang simpleng tao na walang arte sa katawan. Napapaisip ako kung paano kaya kung may iba kaming kasama ngayon? Ganyan pa rin kaya sila kawalanghiya?
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
ChickLitAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...