24: Family Problems

3.7K 234 39
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


DALAWANG BARYO pa ang layo namin kung nasaan ang meeting place na tinutukoy ni Rico kung saan niya kikitain ang family niya. Kahit gusto kong isipin muna ang family niya, ayaw maalis sa isip ko ang nangyari sa amin nina Myles kanina.

After all those shits I've been with and because of Myles, never akong nag-attempt na sigawan siya or what. I knew how deprived she was of attention, and polar opposite din naman kami kung tutuusin pagdating sa kung paano namin gustong makita ng ibang tao, pero ang hirap kasing i-let go, to think that before Arthas happened, we were doing okay.

Lahat ng sinabi ko sa kanya kanina, matagal ko nang gustong pakawalan 'yon sa kanya. Iniiwasan ko lang na sumamâ ang loob niya sa akin kasi bago pa magkaroon ng Arthas, may Myles na.

She's like a sister to me, and I couldn't afford to lose her, kahit minsan, nagsasawa na rin akong unawain siya.

Ang hirap kapag kailangan mo laging i-consider ang feelings ng ibang tao bago ang sarili mo every time na kumikilos at nagsasalita ka.

I needed some air—I badly needed some air. I didn't know how I ended up in a situation like this. I knew it was my fault, but . . .

"Jae," tawag ni Rico kaya tiningnan ko siya.

"Yes?"

"We're here. Are you sure you're okay?"

Malalim lang siguro talaga ang iniisip ko at hindi ko na napansing nakaparada na pala ang sasakyan niya sa parking lot ng Eagle Point. But we headed across the other building na parang private villa sa beachfront.

"I can protect you from my family. But if you're not prepared, we can set up another meeting. I don't want you to face them guard down."

I looked at Rico again. Mukha talagang ayaw niya akong patuluyin kahit nandito na kami. Siya naman ang nanghingi ng favor pero parang hindi rin siya sigurado sa gagawin niya.

"I'm fine, Rico." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Don't worry about me."

"Jaesie, you can't tell me that. You just cried yourself out earlier."

"Pero hiningi mo 'tong favor."

"Hiningi ko ito before nating makipagtalo sa best friend mo, because I know, mentally prepared ka. But things happened."

Ang lalim ng buga ko ng hangin dahil sa sinabi niya. "Let's just settle this one, please? Baka kaya ko silang harapin. I'm not that weak."

Lumabas na kami ng sasakyan at niyakap agad ako ng malamig na hangin ng lugar. Sea meets land. My left side is a natural water paradise, and that was enough to lighten my heavy feelings.

I wasn't in the mood right now, really, but I promised Rico na haharapin ko ang family niya no matter what.

Dumeretso kami sa part ng magarang villa na may overlooking ng dagat at nakita roon ang family niyang mukhang kanina pa kami inaabangan.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon