42. Almost Married

3.7K 204 12
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I WAS expecting a real honeymoon last night. Kind of steamy, sexy, and hot night with Rico. Yet, all those expectations brought me to sleep because we both didn't like to have that kind of night inside his stuffed toy land.

Hindi naman sa sinasakyan ko ang kawirduhan ni Rico, pero nahihiya rin ako sa mga plushie niya. Feeling ko kasi, makikita nila ang "kahalayan" naming dalawa. It felt like we were being watched by kids, and that felt so awkward. So we just hugged each other all night and slept like we usually do kahit sa ibang bahay.

At isinumpang kama talaga ang Snorlax niya. Even my body clock betrayed me, at sobrang na-disappoint ako dahil doon umagang-umaga dahil nagising ako na hindi ko alam kung anong oras na. Walang bintana sa kuwarto ni Rico. May exhaust vents pero walang bintana.

Lalo akong na-disappoint nang pagbaba ko sa second floor, halos papikitin ako ng liwanag ng araw mula sa bintana mula sa open library. Kung bakit naman kasi walang orasan sa stuffed toy land ni Rico. Ayaw talagang ma-conscious sa oras habang nasa lugar niya.

Sa bagay, that place was meant to relieve his stress kaya bakit siya maglalagay ng stress sa loob gaya ng orasan?

Naabutan ko si Rico sa library niya na palakad-lakad habang may dalang folder.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko habang nakasimangot sa kanya.

"Mukhang masarap ang tulog mo," sabi niya nang sulyapan ako saka ibinalik ang atensiyon sa folder.

"Anong oras na?"

Sinilip niya ang suot niyang relo. "It's already 6:43. Sunday ngayon. I know, ikaw ang boss. But today is your day off, remember? Honeymoon dapat natin ngayon, so no office, no commitments, no other business aside from me."

Lalo ko siyang sinimangutan. Yes, I would admit it. I forgot about that part of my schedule.

Paano ba naman? Nasanay akong busy at may appointments whole day!

"Nagluto ka na ng breakfast?" tanong ko habang hinahagod siya ng tingin. He was still wearing the same shirt and PJs last night, so ina-assume ko nang hindi pa siya nakakaligo. Pero inuna pa ang mga papeles niya.

"Gusto kong ikaw ang magluto ng breakfast today," sabi niya.

"E di sana, ginising mo 'ko nang mas maaga!" singhal ko.

"Ang aga-aga, ang init na ng ulo mo," kalmado niyang sinabi. "I didn't wake you up since I thought you were exhausted by yesterday's events. What do you want me to do, then? Disturb you in your good sleep para lang paglutuan ako? Jaesie, hindi pa ako ganiyan ka-inconsiderate para maging selfish."

Hindi ako nakapagsalita. Naiinis ako kasi late akong nagising sa supposed to be 5 a.m. wake time ko, and Rico wanted me to cook for our breakfast. Ayokong sisihin siya, pero hindi ko talaga alam kung saan ire-release ang frustration ko dahil lang late akong nagising. Traydor talaga ang Snorlax bed niya. May sumpa yata 'yon para sa mga emotionally and spiritually tired people.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon