45. The "Wedding"

3.4K 218 30
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NOON, NAGTATAKA ako kung bakit masaya ang mga ikinakasal maliban sa mga nag-iiyakan sila. Lagi akong uma-attend ng kasal ng mga friend ko mula pa noong high school lalo na ng college friends ko. Naka-smile lagi ang lahat. Ngayon ko lang na-appreciate kung bakit sila masaya kapag may kasal.

"Okay, isipin na lang natin na nasa wedding rehearsal tayo. After ng procession, dederetso na tayo sa rites," paliwanag ni Father Adam. And he really didn't prepare himself in full "father" outfit. Hindi niya suot ang vestment niya para sa misa later. Naka-white tee pa rin siya at black pants. Nagdala lang siya ng Bible at pinaharap na kami ni Rico sa may altar.

Sabi ni Father Adam, hindi raw kami maglalaro, at ayaw niyang balewalain ang ceremony ng kasal kaya isipin na lang daw namin na ganito ang mangyayari kapag nasa actual church wedding na. Ang lapad ng ngiti namin ni Rico, mukha na kaming tangang dalawa.

Ewan ko ba pero kahit naka-blue blouse lang ako at white slacks, tapos si Rico na naka-Ralph Lauren Oxford button-down shirt at chinos lang, okay na kami kaysa kahapon na naka-wedding dress ako pero iyak naman ako nang iyak.

"Huwag ka ngang ngiti nang ngiti," utos ko kahit isa rin naman akong ang lapad ng ngiti kay Rico. Magkahawak kami ng kamay at pinipigilan kong huwag iugoy ang kamay naming dalawa.

"Susunod ako kapag nauna ka," sabi ni Rico at lalo pang pinalawak ang ngiti niyang nakakainis talaga kapag nakikita ko kasi nakakakilig na ewan.

Ramdam ko namang unexpected rehearsal ang small ceremony namin ni Rico pero kinikilig pa rin ako. Bihira lang naman akong kiligin, sinusulit ko na.

"Ready?" tanong ni Father Adam.

"Yes, Father," sabi ni Rico kaya natawa ako nang mahina. "Sshh! Father, si Jaesie, o. Tawa nang tawa."

Yumuko naman ako habang kagat-kagat ang labi para lang mapigil ang pagtawa ko.

"Hindi ito ang unang beses, huwag kang mag-alala," sabi ni Father Adam kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Sorry," sabi ko sabay nguso at pinalobo ang pisngi ko para lang hindi ako matawa.

"Masaya akong masaya ka, Jaena," sincere na sinabi ni Father Adam kaya pinanlakihan ko ng mata si Rico para sabihing linya niya 'yon kanina sa Luneta.

Biglang nawala ang ngiti ni Rico at napasimangot kaya lalo akong natawa.

"Sorry! Sorry! Si Rico kasi!" natatawa kong sinabi dahil hindi lang siya ang nagmamahal sa akin at gusto akong maging happy, sorry siya!

"Jae, serious ka na kasi para mag-start na," naiinis nang utos ni Rico, naiinip na yata.

Kinagat ko ulit ang labi ko saka pinakalma ang sarili sa pagtawa. "Game," sabi ko.

May mga sinabi si Father Adam sa celebration of matrimony kaya sumeryoso na rin ako. Hinimas-himas ko ang kamay ni Rico gamit ang magkabilang hinlalaki. Nangangawit na ang panga ko kangingiti sa kanya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon