I HAD no plan on bringing Rico inside my condo unit, but that plan didn't happen. Siguro kasi, nawili rin ako sa ginawa namin before niya ako ihatid.
Rico could possibly be my personified temptation, which I didn't expect to meet. Apart from the thought na hindi kasi talaga siya kapansin-pansin sa barkada niya, wala akong makitang dahilan before para pansinin siya. Hindi rin kasi niya ako kinakausap, at kung mag-usap man kami, laging masama ang loob ko dahil nakakasama talaga siya ng loob kausap.
But he wasn't that bad at all. He was a surprise.
"This is not my first time here, pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa interior mo." Napatingin ako kay Rico dahil sa sinabi niya. "Mas masculine pa rito kompara sa kuwarto ko. Black, white, red, gray? Para kang dad ko kung mamili ng kulay."
He was doing a tour inside my place, first time niyang magawa kahit hindi niya first time makapasok dito.
"Boring ba ang colors?" tanong ko habang nagtitimpla ng juice para sa kanya. "That's my life, masanay ka na."
"Hindi naman sa boring." Pagsulyap ko sa kanya, naupo na siya sa red couch at napansin kong may kinuha siya sa drawer ng center table kong black oak finish. "Too dark and metallic lang siguro, saka malayo sa expectation ko since ang cozy ng ambience ng Purple Plate."
"Ano ba'ng ine-expect mo? Na purple ang favorite color ko?"
He glanced at me. "Yeah, I really assumed." Binalikan na rin niya ang mga kinuha niya sa drawer pagkatapos.
Napailing na lang ako sa kanya at bumalik sa paghahanda ng inumin namin.
Technically, wala pa akong naging boyfriend. And Rico is my "first" boyfriend out of a dry run. Hindi ako tumatanggap ng boyfriend, in a sense na ayokong masabihang "ex" kaya nga nag-settle ako sa flings, dates, and the only man na almost ko was Patrick as my ex-fiancé.
Maybe I stereotyped them all sa barkada nila kasi iisa lang halos sila ng kinaiinisan ko, so malay ko bang weirdo pala si Rico.
"Whoa. Who are these guys?" Ipinakita niya sa akin ang isang album. Tumaas lang ang kilay ko kasi family album naman 'yon pero naroon din ang lahat ng lalaking nanligaw at nang-friendzone sa akin.
Lumapit na ako sa kanya saka ibinaba sa coffee table ang juice na tinimpla ko.
"Mga ex mo 'to?" nakangisi niyang tanong.
"Si Pat lang ang ex ko diyan."
"O? Pero may mga ganito kang memories?" Dinig ko ang pagbuklat niya ng mga plastic page ng album. "Mukhang masaya ka namang kasama nila, a."
"I barely remember the happiness you were saying." Naupo naman ako sa single couch na nasa right side ng inuupuan niya. I let him see the content of that album para magka-idea siya sa pinapasok niya ngayon.
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
Literatura KobiecaAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...