IT WAS already six in the evening, sobrang daming tao nang makarating kami sa venue. It was an open space sa isang resort sa Calatagan. The location was near the beach, dinig ang alon sa malapit. Ang daming banners sa pathway pa lang. The event was Sama-Summer Na, and the theme probably was to showcase summer clothing.
May black cloth na nakatakip sa pinakabakod kung nasaan nakaupo ang main audience. Sinalubong kami ng isa sa staff ni Myles sa entrance pa lang, pero pagdating sa backstage, nagpaiwan na si Arthas at pinaderetso na ako ng isang PA sa tent kung saan nagbibihis ang lahat ng models.
The whole tent was dark green ay may trapal pang cover sa labas. Ang gulo ng area at halo-halo na ang tao. Most of them, mga nagbibihis na. Wala nang pakialam ang iba kung may mga lalaki roon na naghuhubad o may mga babaeng nagpapalit ng damit. It was so noisy at mainit. Doon pa lang sa labas, maalinsangan na, tumindi pa lalo sa backstage. I could smell CK One cologne, VS Bombshell perfume, paglingon ko, amoy Lacoste naman. Masakit sa ilong.
Naitulak ko na ang ibang sumasalubong sa akin hanggang sa makita ko ang dulo ng tent, nandoon ang mga stall ng mga designer.
"Jae! Hi!" Nagulat ako sa bumangga sa akin sa kaliwang gilid. "Wear this! Faster!" Halos isalpak na ni Myles sa mukha ko ang isang tiger print na two-piece bikini.
Hindi pa ako nakakabati sa kanya, may dapat na akong gawin.
Ganito talaga siya kapag may fashion show, nakakalimutan kung sino ba ang magulang, kapatid, best friend, at talent. Basta nasa teritoryo ka niya, wala kang ibang pakinabang kundi isang hamak na Barbie doll lang. Gagawin mo ang gusto niya, isusuot mo kung ano ang gusto niya, at wala kang karapatang magreklamo dahil walang lugar ang complaint sa warzone niya oras na pumayag kang sumabak sa giyera kasama siya.
I could say no, but I didn't, so there we go.
I didn't have enough time to fix myself dahil sumisigaw na ang stage director ng five minutes. Pumasok ako sa loob ng maliit at masikip na gawa-gawang fitting room mula sa makapal na tela. May nakalagay na S.M.Y. sa board sa itaas kaya alam kong kay Myles ang lugar na 'yon. Mukha ngang kanya dahil lahat ng gamit niya naroon.
Mabilis akong naghubad at isinuot ang ibinigay niya. Understood na ang lahat at praktisado na kaming pare-pareho sa ganito. Kailangang within a minute, okay na ako. Kapag babagal-bagal ako, sa ayaw o sa gusto ko, rarampa ako sa runway at mapipilitan akong lumabas nang hindi prepared. Dahil dito, hindi si Myles ang kaaway ko; mga stage director at organizer na. Wala silang pakialam kung naisuot ko ba nang maayos o hindi ang ibinigay sa akin, so I needed to make sure I wore the clothes properly dahil ako ang magdadala n'on sa stage.
"Jae, dito ka, dali!" Hinatak agad ako ni Myles at lima-limang stylist ang pumalibot sa akin. Talo ko pa ang F1 race car na nasa pit stop. Ni hindi ko nga nagawa pang umupo, pare-pareho kaming nakatayo.
Wala pang three minutes, may tiger print heels na ako, naka-makeup na pinagmukha akong fierce Amazona, nalagyan na ng gold glitters ang buhok kong mabilisang ikinulot (na hindi pa nga pantay) at napalitan na rin ang silver earrings ko ng peacock feather.
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
ChickLitAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...