Tigger warning: Suicide. Read at your own risk
♥♥♥
RICO IS so discreet with his life. Hindi naman sa gusto kong ipagmayabang niya ako sa lahat, pero hindi lang ako makapaniwalang hindi ko maramdaman na bahagi pala ako ng buhay ni Rico Dardenne mula sa ibang perspective.
Kompara kasi sa mga barkada niya at sa iba pang lalaking naka-fling ko, ipinakikilala nila agad ako sa lahat na para bang deserving akong ipagmalaki. Rico never did that kahit noong nag-agree kami na magiging girlfriend on-call ako kapag nandiyan ang barkada niya. Napag-usapan naman na namin kung bakit, pero sabi niya lang, hindi business ng ibang tao ang buhay niya. Agree naman ako. Pero kung sakali mang may kumausap sa kanyang iba, hindi ko alam kung sasabihin ba niya ang tungkol sa akin o ganoon pa rin siya—si Rico Dardenne. Hindi siya si Rico na may Jaesie.
Friday, eksaktong 24 hours na lang at ikakasal na kami. 1 p.m. sa office ni Judge Heidi Torifel-Gonzaga sa may UN Avenue. Rico said she was his former professor sa social science. Tinanong ko kung bakit hindi kami sa city hall ikakasal. Sabi lang ni Rico, maraming tao sa mayor's office at ayaw niyang hulas na ako sa pakikipagsiksikan sa mga taong nanghihingi ng tulong bago pa kami magkita sa mismong kasal kahit may schedule pa 'yon.
Kapag naiisip ko ang lahat ng reason ni Rico kung bakit niya napili ang mga ganoong decision sa simpleng kasal namin, masasabi ko talagang lahat ng adjustment niya, pabor sa akin.
The plan was well managed. As I expected since life manager ko nga siya for now. Pero dahil hands on siya sa wedding, ako na ang sumasagot ng call regarding sa branch niya ng Purple Plate sa Cebu na malapit na ang opening. Tinatanong ako ni Erwin, ang manager na humahawak sa branch, tungkol sa ilang mga bagay about sa construction and menu. Kapag hindi enough ang phone call, naka-online video meeting kami. Sabi ko nga kay Rico, madaya siya. Ang usapan, siya ang magma-manage ng branch niya, pero ang ending, ako rin ang umasikaso.
Well, pabor naman sa akin na ako ang aasikaso kasi kung ako ang pahahawakin niya ng wedding plan namin, malamang na katatamaran ko lang 'yong gawin. Baka December na, malabo pa rin ang kasal naming dalawa dahil ayoko ng ginagawa ko.
"Jaesieee . . ." pakantang pagtawag sa akin mula sa pinto ng office ko. Malawak na ngiti agad ni Melanie ang bumungad sa akin habang may dala-dala siyang tray. May dalawang platito roon na may lamang special brazo de mercedes. Una kong napansin ang drizzle ng strawberry at white choco sa ibabaw. Hindi yata ako tinitipid ngayon ng kaibigan ko. Sinamahan pa niya ng red tea na namamawis pa ang basong pinaglalagyan.
"Talagang pakakainin mo 'ko ng sweets before the wedding?" natatawa kong sinabi at dinaluhan na siya para tulungang maglapag ng meryenda namin sa mababang mesa sa gitna ng office ko.
"Jaesie, hindi ko ma-feel na ikakasal ka na bukas," sabi niya. Pagsulyap ko sa kanya, nakangisi lang siya habang naglalapag ng kakainin namin sa mesa.
"Ako ngang ikakasal, hindi ko rin ma-feel, e," pagsang-ayon ko, at ako na ang kumuha ng tray para ilapag sa metal drawer na katabi ng pinto.
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
Chick-LitAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...