I really need to find out as soon as possible ang tungkol kela Kurt at sa lalaking 'yon dahil ayukong palagi nalang ako yong nasa malayo at hanggang tanaw lang sa lalaking gusto ko! Pero saan naman kaya ako magsisimula kung palagi nalang silang magkasama? Hindi kaya they're living in the same house already?...no it can't be, hindi ako makaka-payag!
"Ms. Demitrio ano yang binubulong-bulong mo diyan?!" dali-dali akong napaayos sa aking pagkaka-upo ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ni ms. Elejador.
Naman e, ako na naman ang pag-iinitan niya nito ngayon, lalo pa at medyo hindi maganda ang araw niya dahil sa problema niya sa ibang section!
"Stand up ms. Demitrio!"
"Ms.?"
"Stand up!"
Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo dahil sa palakas na ng palakas ang sigaw sa'kin ni ms. Natatakot kase ako na baka sa lakas ng pagkakasigaw niya ay bigla nalang lumuwa yong mga mata niya.
"Cite three basic business mathematics formulas!"
"Po?!"...gulat kung sagot sa sinabi ni ms. Elejador. At aamin ko, kinakabahan ako hindi dahil sa baka magkamali ako sa pagsagot, kinakabahan ako para sa magiging reaksiyon ni Kurt sa'kin kapag pumalpak ako!. Ayukong mas lalo akong maging wala lang sa kanya, gusto kung maging proud siya sa'kin!
"Hindi mo alam ms. Demitrio? Basic lang ang hinihingi ko sayo hindi mopa maibigay! Patunay lang yan na wala k-"
"Net Income formula. The general formula for net income could be expressed as: Net income equal Total revenue then subtract Total expenses. Accounting Equation formula expressed as: Assets equal Liabilities plus Equity. And Current Ratio Formula expressed as: Current ratio equal current Assets then devided by Current liabilities po ms." kaagad kong putol sa iba niya pang sasabihin dahilan upang ngumiti siya sa'kin ng may paghanga.
Habang nganga naman lahat ng mga ABM student pati na rin yong ibang GA, yong mga kaibigan ko naman ay kaagad na nag thumbs up sa'kin na ikina-ngiti ko.
"Good. Now give me the definition of net Income."
"Net Income refers to the amount an individual or business makes after deducting costs, allowances and taxes. It is what the business has left over after all expenses, including salary and wages, cost of goods or raw materials and taxes. And basically, net Income should ideally be greater than the expenditure to be indicative of financial health. Then In terms of calculation, to calculate net Income, take the gross income, the total amount of money earned, then subtract expenses, such as taxes and interest payments."...tumatangong binuklat ni ms. Elejador ang dala niyang book bago muling tumingin saakin.
Shit may tanong pa siya! Kinakabahan man pinilit ko pa rin ang tatagan ang aking sarili at pasempling huminga ng malalim upang ihanda ang aking sarili sa panibagong katanungan sa'kin nitong si ms. Elejador.
At habang nalilibang ako sa pagpapakalma sa aking sarili, aksidenteng napatingin ako sa gawi nila Kurt at Trixxie, and....
Pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Kurt ang tanging nandito sa loob ng classroom sa pagkakataong Ito.
At ang peste kong puso ito na naman at ayaw papigil sa lakas ng pagtibok nito! Kunsabagay, sino ba naman ang hindi magiging ganito kabilis ang tibok ng puso kung ganyang klaseng tingin ang ibinibigay sayo ng taong gusto mo. He's looking at me softly like a proud boyfriend!
YOU ARE READING
Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)
General Fiction(BEST FRIEND SERIES#1) Turning eighteen and on her last year as a highschool student, Arcenith Demitrio thought about having a good time for herself. But this 'good time for herself' turns out to be stressful and roller coaster ride for her as she s...