01 - Paulo's Penitence

11 3 3
                                    

How far can your faith takes you?
How far can you take your faith?

Sukbit ang bag na halos magkanda kuba kuba na ko ay marahan kong tinahak ang daan pauwi. Pagabi na, kanina pa tapos ang uwian at ang mga katulad kong estudyante sa high school ay kanina pa dapat napauwi. Pero ako? Eto at dahil sa kalayuan ng eskwelahan sa tribo na tinitirhan namin ay umabot akong trenta minutos bago makauwi sa pag lalakad. Lakad lang ng lakad at literal na tatawirin ang sapa gamit ang banka para lang makauwi ako.

Kumikirot ang likod at nangagatog ang mga tuhod na napaupo agad ako sa upuan namin na mas sinauna pa saakin.

Nilibot ko ng paningin ang buong lugar, madumi, nag kalat ang mga pinggan sa hugasan na isang tabla lang naman at sa katabi nito ang isang balde at tabo na galing pang igib sa poso. Ang kwarto naman namin mag anak ay may apat na hagdan, taguan namin kapag may baha o kaya naman minsan ay lumilikas nalang kami dahil parang iaanod ang maliit at gawa sa kahoy naming bahay.

Isa lang ang naisip ko pag katapos libutin ang buong kabahayan. Gusto ko ng umalis dito.

"Tiyo Tonio! Tama na po yan! Tama na!"

"Huwag kayo makialam dito, anak ko 'to!"

Agad akong napalingon sa labas ng may marinig na mga sigaw at sumunod ang mga impit na pagpalahaw ng iyak. Nang pag labas ko ay sumalubong saakin ang kapatid kong kinse anyos na nakadapa mismo sa buhanginan at nakatukod ang mga braso. Nasa likod naman n'ya si Papa na akmang pinapalo ng sinturon! Nakapalibot rin dito ang mga kalaro ni Tonio... Mga ka church mate rin nito ang mga ito.

Napakuyom ang kamao ko. Kung makikialam ako ay lalo lang dadagdagan ni Papa ang pagpalo kay Paulo at ang malala ay baka ako rin...

Nakita ko ang pag lingon sa'kin ng kapatid ko at bahagya pa kong nginitian habang pinataas ang hinlalaki nito. Thumbs up. Ayos lang daw s'ya. Ayos lang daw, kahit pati ang mga tao ay nagsisi iyakan sa kada palo na lalapat sakan'ya dahil sa lakas ng pwersa nito... Ayos lang daw s'ya...

Napalunok ako sa kung anong bumubukod sa lalamunan ko at marahang tinalikuran ang nag iisa kong kapatid.
Nag kulong akong kwarto at tinakpan ng unan ang tainga ko na pinupuno ng mga iyak ni Paulo, ng mga sigaw ng mga kapitbahay, at ng mga hampas ng sinturon ni Papa. Pero may mga boses paring hindi nakaligtas.

"Hindi totoo ang Diyos, Paulo! Ilang beses ko ba yang kailangang itatak sa'yo! Leche kang bata ka! Inuna mo pang mag simba bago itinda ang mga nahuli ko! Ano pa't ninakaw! Anong kakainin natin ngayon, ha?! Mapapakain ba ko ng mga dasal mong punyeta ka ha?!"

Hindi ko napigilan ang mga hikbi ko, umiyak ako para sa mga sugat na natamo ni Paulo. Umiyak ako para sa galit ni Papa dahil sa wala kaming makain, at umiyak ako para sa pananampalataya ni Paulo na walang patutunguhan. Iniyak ko ang kulo ng tyan ko, iniyak ko lahat ng sinabi nilang hindi ako makakapag kolehiyo, iniyak ko lahat ng sama ng loob ko, hanggang sa makatulog ako.

Naalimpungatan ako sa maliit na kamay na tumatapik sa pisngi ko. Madilim na ang buong paligid at tahimik na rin. Kabaliktaran kaninang bago ako makatulog. Hindi pa ako tuluyang gising at maingat na inabot ang flashlight na nasa ilalim ng unan ko. Hindi pa pala ako nakapag banig ni nakapag palit ng uniporme.

Tinutok ko ang ilaw sa kung anong anino na gumising sa'kin at bahagyang nahigit ang hininga ng bumungad ang nakangiteng si Paulo.

"Ate... Kain na tayo."

"Wala naman na tayong ulam..."

"Binigyan ako ni Auntie Gi, pinritong isda. Tara na. Wala si Papa ngayon, nasa burol, siguro nanunugal nanaman. "

Tumayo na ito at bahagya ko pang nailawan ang mga binti nito na kasalukuyang paalis na. Ang bulto nito ay halatang hindi nakakakain ng maayos sa kapayatan. Mas maliit rin si Paulo kumpara sa ibang kabataan na ka edad n'ya. Maraming sugat at galos sa mga kamay, sa mga binti at sa likod na buhat sa pag palo ni Papa. Mas mahina si Paulo kumpara sa ibang kabataan na araw araw ay tatlong beses ang nakakain, pero bakit mas maraming sakit na nararanasan si Paulo? May mga bahid ng dugo... Hindi nanaman tinigil ni Papa ang pagpalo hanggang sa hindi ito dumudugo... Hindi ko na maintindihan.

One Hundred FiftyWhere stories live. Discover now