I remember it so well. Malamig, tumataas ang mga balahibo ko sa katawan pero nanatili akong nakaupo para pag masdan s'ya at damayan. She was completely devastated. Amoy na amoy ang matapang na alak na nanggagaling sa bawat pag buntong hininga n'ya, namumula na din ang tenga at ang mga pisngi habang nililipad ng hangin ang mga hibla ng buhok sa iba't ibang direksyon.
Nagkalat ang mga walang laman na wrap ng chichiria na ako lang ata ang nakaubos. Yung mga tig pi-piso lang ay hindi ko na nalagay sa basurahan kaya't hinahangin na din palayo sa Seven Eleven na tinambayan namin at umiikot ikot na sa kalsada dulot ng malakas na humpay ng hangin. S'ya naman ay nakatungga na ng ilang boteng San Miguel beer. Hindi ko na nga alam pa'no pa s'ya bibitbitin paangkas sa motor ko at nakakatakot na parang makakatulog s'ya at mahuhulog.
She's devastated, she's drunk. Her eyes muttering a lot of inaudible noises as if she's chanting a murderous crime. Pero sa kabila ng lahat lahat, nanatili ang ganda at postura. And I was still processing how it became like this, how for the very first time, our moment to be alone with each other happened. Hindi ko inaasahan ang tawag n'ya, at hindi ko din inaasahan na agad akong mag re-responde. I don't know anymore.
She smiled and asked just after her fifth beer, "Okay ka lang ba d'yan?"
Would it be a corny statement to admit I'm alright but my heart isn't?
"Ikaw... Okay ka lang?" I said trying to be cautious. It's always like this, me trying to think hard of what to say, to be vigilant with my words. Para kasi s'yang bagay na kahit alam mong matatag, ayaw na ayaw mong mabasag o masira ng basta basta nalang.
Tinawanan n'ya ang tanong ko, ang laki ng bunganga kung humalakhak pero ang hinhin ng mga tinig at halinghing. I tried so hard to not stare that much, I failed.
"Okay lang naman. Okay pa naman. Okay lang naman na hindi ka makapasok sa university na gustong gusto mong mapasukan habang yung mga kaibigan mo naman ang nakakuha... Okay pa naman ako Rence, yung feel na feel mo na ang bobo mo, ang pangit mo, ang hirap mong nilalang all at once. Ahaaaym so paken fine." She said, ranting, with a mixture of drunkenness.
Sa pag ka tanga ko, napatitig na lang din ako sakan'ya. Trying to mix the right words for her to loosen up, some words to lessen the pain, to make atleast some of the things alright.
"Alam yung feeling na ginawa mo naman lahat? Bata palang ako, ang rami ko ng pangarap. Alam ko I was set to soar high kasi putangina be, alam ko namang ginawa ko lahat, deserve ko lahat. Until, ayun, sinapak ako ng reality. Ginising ako doon sa "thought" na you're not that special girl, you're not that smart, you're not even an inch good! Sa'ming mag kakapatid ako pinaka lowest sa lahat, pati sa mag babarkada ako yung parang, andon lang, walang impact yung presence! Putangina Rence pati ba naman sa exam, sa pag college, left out ako?" She said. Whispering but in a violent harsh way. Breaking the silence around us completely.
Ngayon ay hindi nalang tenga, ni pisngi ang namumula kundi ang kanyang ilong. Kanina pa basa ang mga pilikmata n'ya na nakapadagdag sa pamumungay ng kanyang mata. I want to wipe that tears, I want to pull her in my embrace but at the same time, I want to convince her that I only see her... platonically.
"Ahh! What should I do?" She said, bursting kaya nagulat pa ako. Hindi ko din kasi alam ano ang gagawin n'ya.
Hindi s'ya nakapasa sa tanging university na in-apply-an n'ya. Do or die kasi s'yang tao. All in. Iyong unibersidad na yun o mamatay nalang. And at the same time, I saw her really studied hard for the exam, so she was confident. But confidence and hardwork sometimes won't put up a good fight with the bad cicumstances, more often, it crushes you more, knowing, you worked hard more than anyone, but still, hindi mo pa din nakuha.
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
RandomFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...