Tumapat ang init sa aking balat na tumatama rin sa pisngi at paningin ko. Pinikit ko ang mata ko sa ilaw na sumisinag. Maingat ang pag galaw ng aking mga bewang sa butaka na may git-git sa kada atras at abante nito.Atras, abante, atras, atras.
Ang aking mga binting kumukulubot na ay malayang naka depende sa paa ng pasimano kung saan ako nakaharap at nakaupo. Dinadama ang simoy ng hangin sa umaga, at ang pag gising ng mga tilaok sa tao sabay ng pag sikat ng araw at ang sinag na dala nito.
Pag katapos inumin ang tsaa ay napahugot ako ng hininga.
"Ahh," sambit ko pa pakatapos ubusin ang lahat. Sayang lang ay hindi na ako pwede mag kape at diabetic na.
Umalis na ako mula sa pinagkakaupuan saka nagbabalak na gumawa ng maikling ehersisyo sa likod ng may biglang tumamang bato sa pintuan. Mahina na ang mata ko ngunit malinaw ang pandinig ko. Bato iyon.
Tiningnan ko ang pinanggalingan nito saka nakita ang tatlong mga paslit na nasa labas ng bakod ko.
"Bleh! Monster!"
"Ang pangit mo, gurang!"
"Kadiri ohh, may mga peklat, ewww."
Napabuntong hininga ako at bahagyang kumirot ang dibdib ng saglit na pag masdan ko ang mga braso at binti na hindi lang binalot ng kulubot kundi ng isang nakakakilabot na peklat na animong sinunog...
At bakit ba walang sawa ang mga batang ito sa pangungutya sa'kin na parang kada umaga nalang ay naririnig ko ang boses nila. Nasa'n ba ang mga magulang nila at hindi man lang inaalala ang mga batang ito na kung saan saan napapadpad. Napailing ako at saka pumasok sa loob, bago ko pa masarado ang pinto ay may pahabol pa na tumama ditong bato.
Mga pangit pa ang ugali!
Huminga ako ng malalim ng marinig nanaman ang mga boses ng mga batang paslit at bahagyang kumirot ito sa aking dibdib. Bakit sila ganito? Bakit puno ang mundo ng mga pabayang magulang at hindi man lang tinuturuan ng mga magandang asal ang mga sariling anak?
Napabuntong hininga ulit ako. Lalo na ng makita sa maliit na lamesa, katabi lang ng sofa na lagi kong kasama ay may nakatayong lamp shade, sa tabi ulit nito ay may nakasandal na dalawang picture frame.
Black and white pa ang kuha ng mga litrato. Ang isa ay may dalawang tao, isang babaeng nakangiti habang kandong ang isang maliit na bata na may parehong ngiti sakan'ya. Sa isa naman ay may tatlo at kasama na ako dito. Kitang kita ang kabataan, mababakas ang kislap sa aking mata habang yakap yakap ang paslit sa isang kamay at ang isang braso naman ay nakadantay sa balikat ng magandang babae.
Kitang kita sa mata namin ang kulay ng isang magandang pamilya. Wala ang mga kulubot sa kamay, o ang tuyong balat na kapag kinurot ay ilang minuto pa ang hihintayin bago bumalik sa dati nitong lugar. Bakas ng kabataan...
Carmen... Kamusta ka na?
"Lo?"
Napalinga ako sa boses na tumawag at saka ginawaran ito ng ngiti. Ang labandera ko na halos limang taon na, kalalabas palang nito sa banyo at bahagyang basa ang kamay maging ang laylayan ng damit.
"Oh, Conching. Tapos na ba ang labada?"
"Opo Lo. Kuha nalang po ko ng sahod ko." Nakangisi naman nitong tugon saka kumutkot sa jacket ko na nakasabit sa likod ng pinto ng banyo. Alam na n'yang naroroon ito dahil madalas kapag aalis ako ay nakakalimutan kong isuot ito.
Iba na talaga kapag matanda na.
Pinagmasdan ko si Conching na siguro ay nasa trenta anyos na rin. 300 pesos ang sahod ko dito kada labada na sigurado naman akong sandamakmak. Bahagya kong siningkit ang mata ng may makitang yellow na papel na nakalumot sa mga kamao nito. Napabuntong hininga ako.
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
RastgeleFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...