"Ah! AHAHA! Pati likod mo mukang unggoy!" Kutya ng mga kaibigan ki na nasa likod ko. Paalis na dapat ako pero napahinto ako sakanila. Mahilig na talaga kasi silang manlait pero hindi ko lang maiwasang masaktan...
Sino ba namang hindi masasaktan lalo na kung nakikita ko kung bakit iyon ang tingin nila?
"Unggoy unggoy! Lingon na uy!" Pagkanta pa nila kaya nilingon ko sila at inangilan ng pabiro.
Pero pagtalikod ko ay may tumakas na luha sa mata ko.
Kaibigan ko sila pero... Hindi nila maramdaman na nasasaktan na ako.
Naglakad na ako palabas ng gate ng school, pinilit ngumiti sa mga bumabati at pinilit na alisin ang kung anong lumulukob sa dibdib ko. Masakit. Mabigat.
Pero ganun naman talaga ang mga tao diba? Lagi naman silang may masasabi, lalo na kung pangit ka. Yung kahit mamahalin ang damit mo, pag pangit ka, mukang ini-snatch lang sa kung saan na tabi. Kapag pangit ka, kakain ka lang para ka ng multo. Puro panlalait ang matatanggap mo.
Buti nalang rin siguro at dahil doon ay naiwasan kong mang husga ng tao... Ang hirap rin maging kristyano tapos pangit ka... Yung kailangan mong mahalin parin ang kapwa mo kahit na sinasaktan at hinuhusgahan ka nila...
Nang makarating sa terminal ng mga trycicle ay agad akong umupo sa side car. Napasulyap muna ako sa muka ng driver na inalok agad ako. Napangiwi ako. Ang pangit rin ng driver, mukang manyakis.
Dahil sa nakita ay unti unti akong bumaba ng side car at lumipat ng pwesto sa likod. Ang nasa harap ko naman na babae ay bahagyang naka-facemask pa at nakatingin sa'kin... Bahagyang nakataas ang mga kilay kaya napataas rin ako ng kilay.
Agad namang inalis ng babae ang facemask, hinanda ko na ang sarili sa pakikipagsagutan, o plastikan. Remember, Lorraine, kailangan mong maging mabait kahit tinarayan ka.
Nagitla ako ng makita ang muka n'ya... Tabingi ito ng kaunti. Pero siya'y ngumiti sa'kin. "Pasensya ka na Neng sa kilay ko. Na stroke kasi ako kaya ganyan."
Napakurap ako at alanganing ngumiti. "Pasensya na rin po."
Parang gusto kong iuntog ang sarili sa motor, o mag pahulog nalang kaya ako? Bakit ko kasi tinarayan pabalik? Wala naman akong alam sa kwento eh... I wonder how it is to live like that? Yung bang may muka ka na nakakairita. I'm sure marami na s'yang natignan na tao sa ganyan na kilay n'ya ang na-misinterpret s'ya. Marahil nga ay nasira pa ang araw noong mga hindi n'ya napaliwanagan...
Pero bakit n'ya kasi tinatakpan ang muka n'ya ng facemask? Dahil ba sa pangit s'ya dahil sa tabingi n'yang muka? So... Mas okay yung mag muka kang may sama ng loob sa tao kay'sa sa pangit ka...? Parang mas lalong pangit yung nauna? Pero sino ba ako para husgahan ang desisyon n'ya diba? Hindi ko naman alam kung ano pinagdadaanan n'ya. Nagkasala na nga ako kanina at pinatulan ko pa kung sakaling totoo yung pangtataray n'ya.
Sabi pa naman sa readings ng misa kahapon. Kapag sinampal ka, ibigay mo pa yung isa mong pisngi... Ang hirap naman gawin n'yon parang sinasabing 'wag akong maging tao. Pero sabagay, hindi naman tayo basta lang tao kapag kristyano tayo diba?
Nag simula ng umandar ang tycicle ng mapuno ito. Nasa may dulo pa ng baranggay ang bahay kaya naman unti unting nabawasan ang pasahero hanggang sa kami nalang ni ate ang natira.
"Lipat yung isa sainyo dito neng. Para balanse." Sabi sa'min ni Manong at ngumiti ng creepy. Si ate naman ang pumunta doon at nginitian naman ako.
Malapit na ang pag lubog ng araw, kulay kahel na ang kalangitan at kaunti nalang ang dumadaang sasakyan. Huminto ang trycicle sa isang bahay na pinarahan ni ate.
Ako nalang ang natitira...
Bahagyang hinangin ang muka ko at nagtaasan ang balahibo sa katawan. Hindi lang dahil sa hangin kundi dahil narin sa panaka nakang tingin ng driver sa'kin at ang nakakagimbalang muka nito. Napalunok ako, mabuti nalang at malapit na ang bahay...
"Para po!"
Hindi tumigil ang trycicle. Dinamba ng kaba ang dibdib ko.
"Para po! Manong!"
Nang hindi parin ito tumigil ay napasulyap pa ako sa bahay na lumalayo na sa paningin ko. Pa'no na to? Kaya ko bang talunin ito kahit matulin ang pagpapatakbo n'ya?
Mas okay nang mabalian kay'sa ma rape!
Pinikit ko ang mga mata at napa atanda saka tumalon.
Nabunggo ang kamay ko at nadaganan ng impact ng pagkalagapak ko sa daan. Napadaing ako. Ang lakas ng pagkakabagsak ko na parang may nahulog na kung anong mabigat!
Ah oo nga pala. Mabigat at mataba ako.
Parang nabali ang braso ko...
Nilingon ko ang nasa likuran habang nakahiga parin. Napahinto ng malakas ang trycicle sa likod at maging ang sinakyan ko.
Sumaklolo ang driver kanina at mabilis na tumakbo sa'kin. "Oh Ne!! Anong nangyari?!" Sigaw nito. Halata ang pag aalala at lumapit sa'kin pati ang ibang pasahero ng trycicle na nasa likuran ko.
"Ba't ka tumalon?! Aba'y ano bang bata na 'to. Hindi ka pa nga nag pa-para bumaba ka na!"
Naiiyak na napaupo ako at sinubukang tumayo pero parang nabali ang paa at ang nasa may leeg ko.
"P-pumara po ak-ko." Despensa ko habang may kung anong bumabara sa lalamunan.
Pinapalibutan na kami ng tao.
"Ganon ba hija? Hoy! Tumawag kayong ambulansya." Baling nito bigla sa parang kakilala saka lumingon ulit sa'kin. "Pasensya ka na ha. Hindi ko siguro narinig at may nasirang parte ng makina ang trycicle kaya ang lakas ng tunog!"
Lalo akong napahagulhol. Hindi sa sakit ng mga bali kundo sa galos ng katotohanan na hindi lang ako biktima ng panghuhusga. Dahil maging ako ay binalik sakanila ang husga na natanggap ko... Napakahipokrito.
A/N:
SABAAAAW huhuhuuh
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
De TodoFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...