Nilalamig ang katawan ko habang ramdam ko ang pag tusok ng mga dahon sa pwetan ko. Para itong nagiging kutsilyo... Strucking me like knives and my butt feels like it's bleeding.Napatayo ako, napakurap sa mga damo at natawa.
Hindi ko lang rin alam kung bakit pero ansaya! Humalakhak ako ng malakas as if it was my first time laughing for a while.
Oh wait it is.
Lalo akong natawa sa naisip at may kung anong guminhawa sa kalooban ko. Mahabang mahaba na tawa hanggang sa mag simulang tumuyo ang lalamunan ko. Huhu.
Niyakap ko ang sarili at tumakbo palayo sa damo na inuupuan ko. Habang tumatakbo ay napatingala ako sa langit na madilim– alam kong madilim pero tila nagkukulay asul ito kaysa black! Ang buwan naman ay animong nangangausap saaking tumigil sa pagtakbo.I stopped running and looked around... Bakit ako pinapatigil ng Buwan?
"Bakit...?" Marahan kong tanong sa Buwan.
Nakita ko ang pag ngiti nito at bahagyang pag lakas ng liwanag n'ya na ikinatuwa ko at marahan akong tumawa sa galak... Thank you wonderful moon!
I heard him say welcome...
Ah kaya pala ako pinapatigil ng buwan at nilakasan n'ya ang ilaw n'ya! Sa burol na kanina ay hinihigaan ko ay may bangin pala. Muntik pa ko dumausdos!
Pero bakit kaya ang bait ng buwan? Kahit wala naman akong ginawang kabutihan sakan'ya pabalik? May naalala tuloy ako sakan'ya. Si Mommy... Si Mommy na lagi kong takbuhan noon if I'm angry, sad, or happy!
Si Mommy na tanungan ko ng lahat ng question ko sa earth!!
Si Mommy... lagi kong niyayakap kapag matutulog na kami.
Si Mommy na hanggang tumuntong ako ng highschool ay binabasahan ako ng mga stories at ng mga aral!
Nasa'n na si Mommy?
"Mommy!!!" Sigaw ko.
Paulit ulit kong sinigaw ang 'Mommy' sa burol na kinatatayuan ko. Napabuntong hininga ako ng walang sumagot saa'kin pabalik.
Hay.
Nag kibit balikat nalang ako at lumingon. Suddenly the colors are contrasting so much! The moon looks like it's a sun but much more dimmer! The sky is getting violet, the stars getting bigger! The grass that is floating within the winds gets louder and louder! I squeeled!
Tumalon talon ako at animong kada pag tapak ko sa lupa ay iniaangat ako nito papunta sa kalawakan! Kasama ang mga moon!
Umugong ang tawa ko at may mga sumabay na tawa dito!
Nilingon ko ang paigid at hinanap ang mga tumatawa, agad na may parang umilaw sa loob ko ng makita ang matataas na sunflowers na nakatingin saakon at nakikisama sa mga tawa ko!
Bumaba ako mula sa ginawang hagdan ng lupa at lumapit sa mga ito,
Spin spin spin spin!
Nagliliparan ang mga petals nito! Parang iniikutan ako! Napakanta ako ng isang kanta na hindi ko naman talaga alam ang lyrics at title basta ay kinanta ko!!
"Accccck!"
Tili ko sa saya!
Napatigil ako sa pag ikot ikot ng may marinig na tunog ng bell, parang sa Simbahan! Luminga linga ako...
"May naririnig kayong bell, sunflowers?"
Tumango tango naman ang mga ito. Kaya luminga ulit ako saka ko nakita ang isang shoulder bag na kamuka ng bag na dala ko kanina! Ang strap nito ay parang tinuturo ang direksyon ng kung saan ako dapat pumunta, sinundan ko ito, hanggang sa nakita ko ang isang kahon na umiilaw!
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
De TodoFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...