"Associate yourself with men of good qualities if you esteem your own reputation; for it is better to be alone than in a bad company."
- George Washington"Ma'am, ngayon po ba che-checkan yung assignment?" Tanong ko ng magsimulang iligpit ni Ma'am Vero ang sariling gamit sa table.
Umugong ang angal ng mga kaklase ko at halos sabay sabay pa akong nilingon. Patay malisya naman ako at naka tingin lang kay ma'am na bahagyang nagulat pero may himig ng ngiti ang mga labi.
"Oo nga pala! Wow, Eron. Very good sa pag papaalala."
Napangiti naman ako at isa isang tinignan ang mga nakatitig parin saakin habang pinapalabas na ni Ma'am ang mga assignment. Nasa pinakalikod ang upuan ko kaya wala akong katabi which is convenient sa'kin para walang nakikipag usap sa'kin habang nasa lecture. Isa pa, kitang kita silang lahat. Feeling ko hari ako, eh.
Umugong ang kwentuhan sa apat na sulok ng kwarto at alam ko naman na puno ito ng panlalait o puro pagsasabi sa'kin na pabida daw ako. Ang iba naman ay ang bilis bilis ng paggalaw ng ballpen at paglipat ng page ng papel. Nagmamadali sa pag kopya. Tinignan ko ang grupo nina Renzo, busy sa kakagaya kaya walang panahon para makipag bangayan sa'kin. Good naman, ayoko ng mapagalitan ni Ma'am sa isang bagay na hindi ko naman kasalanan.
"Ba't ba masyado kang pabida??"
"Eron!!"
Angal ng mga nasa harap ko na tinawanan ko lang. "Kasalanan ko bang hindi n'yo ginawa ang assignment n'yo sa tamang oras?"
"Hindi. Kasalanan mo lang na hindi ka marunong makisama." Liana told me. Ganda sana nito, kaya lang irresponsible.
"Kasama ba sa pakikisama ang pag to-tolerate ng mali?" Tanong ko pabalik na ikina-irap nito.
Alam ko naman na pabiro lang ang mga panggagatong nila saakin. Pero alam ko rin na hindi birong may naiinis na sa'kin. Pero kasi, pa'no ko ba 'to naging kasalanan kung malinaw naman ang paka-announce ni Ma'am kahapon na kinabukasan ang checking ng assignment? Bakit ba mahilig manisi ang mga tao na parang wala silang kasalanan? Na parang hindi nila kasalanan ang mga masamang nangyayari sakanila? Well, syempre minsan hindi mo talaga kasalanan. Pero dapat alam mo kung kailan ang pag kairesponsable mo na mismo ang dahilan hindi dahil sa kung sino o kung ano!
Napailing nalang ako saka binuklat ang notebook.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa Simbahan para samahan ang mga ka-church mate ko mag pray. Saktong alas kwatro ng hapon ay naglalakad na ako habang dala dala ko sa kamay ang rosaryo sa loob ng bulsa ko. Payapa akong tumitingin sa mga kapwa ko estudyanteng naglalakad papunta sa parehong destinasyon, may nag babangayan, may mag ka holding hands.. Napangite ako pero nawala lang rin ng biglang may umakbay saakin.
"Ano yung kanina?" Bulong nito sakan'ya at bahagyang ngumiti kahit may pambabanta ang tinig.
"Secret." Sagot ko naman at bahagyang natawa sa sariling joke.
Eto si Renzo, ang second honorable mention. Pasok sa with highest honor pero dahil lang naman ito sa constant na paghihingi ng sagot at pangongopya. President rin s'ya ng buong grade-10 students pero wala namang ambag sa eskwelahan kundi ang pumorma. Pero kahit ganoon ay mabait naman ito, hindi ko lang talaga gusto na nakukuha n'ya ang grades n'ya dahil nga doon at ine-expect na dahil sa mga title n'ya ay rerespetuhin agad s'ya ng mga tao. Siguro sila oo, ako hindi.
Napailing ito sa sagot ko. "Alam mo, pala simba ka sana kaya lang wala kang modo."
"Pa'no naman ako nawalan ng modo eh pinaalala ko na nga kay Ma'am yung assignment natin na makakalimutan n'ya sana."
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
Ngẫu nhiênFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...