Sinilip ko muna ang pambisig kong relo bago isinuot ang heavy-duty na jacket, sinampay ang military uniform ko na nabasa at sabay ini-stretch ang mga kamay at braso habang nililisan ang tolda ng camping. Sinalubong ako ng magandang ihip ng hangin, maliwanag at luntian na paligid, isabay mo pa ang mga huni ng ibon sa himpapawid.
Ngunit mapapawi ang mga ngiti mo sa tatlong tolda na may nag iiyakang tao, may mga aligaga na naglulupasay sa lupa, mayroon namang mga kalmado na ikinalagay ng loob ko. Lumapit ako sa pandalawang tolda na pinaka pinagkakagulohan.
"How's your sleep?"
"Para lang akong pumikit."
Ngumiti ang babae na nag tanong. Nakasuot rin ito ng military uniform namin at may nakasampay sa leeg nito na stethoscope. Nag katinginan kami, ang kanyang mga magagandang mata ay lumilitaw mula sa kanyang makapal na salamin. Nagkangitian. Hanggang sa nabalik ako sa reyalidad nang may sigaw ang bumasag sa katahimikan na nangyayari sa pagitan namin.
Nag tanguan kami at nilagpasan ang isa't isa. Ngunit bago kami tuluyang malayo ng apat na pulgada ay nagtagpo ang daliri naming parehong may nananalaming singsing na suot.
Meet my wife, Criselda.
We both have different job, but same team and same mission.
She's now wearing her own white uniform, white skirt, and pasted her pearl white teeth. Nadestino s'ya sa ibang bahagi ng mindanao, samantalang ako ay mananatili dito. Sa ngayon, ako ang mag hihintay sakan'ya.
At limang buwan na ang nakalipas. Limang buwan na walang tawag o komunikasyon, ngunit pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Sabi naman sa update ng team nila ay kailangan nilang manatili doon at sunod sunod ang mga giyera at mas marami mga terrorista. Hanggang sa kami na rin ang madestino doon, a bloodbath was declared. Pagdating namin sa nasabing bayan ay animong naging ghost town ito.
Makikita ang bakas ng terrorista sa mga nasirang kabahayan, sa mga naiwang bukas na tindahan, sa mga maruming kalsada...
"Roxas."
Tawag sa'kin atsaka tinapon sa direksyon ko ang flashlight.
"Doon ka mag hanap ng bangkay o survivors. Retrieve it properly."
Puno ng kahoy at puno ang dinaraanan namin, may apat na kapwa ko sundalo ang nasa likod ko sukbit ang kani-kanilang gamit. We have retrive bodies of no one. Yet.
"Haist, parang wala naman tayong mapapala dito."
Rinig kong sabi ng isa sa kanila at napaupo sa damuhan.
"Pahinga muna tayo. Kunting minuto lang."
Sinamaan ko ng tingin ang mga ito. Ngunit hindi sila nagpatinag. Ang mga tao talaga, hindi binabase ang action sa kung ano ang tama kundi sa otoridad at pride.
Napahinga pa ako ng malalim ng may nilabas na alak ang isa mula sa kanyang bag.
Siraulo.
Iniling ko ang ulo at nag patuloy sa paglalakad. Puno ng makakati at mga tinik ang halaman na nadaanan ko.
Sa pag hawi ko ng malaking sapad ng dahon ay saka tumambad sa'kin ang isang senaryo na hinding hindi ko gugustuhing makita muli.
Huminga ako ng malalim at tinawag ang mga kasamahan ko. Nagulat rin sila sa nakita, ang iba ay naiiyak pa. Nauna ako sa pagkukumpol ng isang bangkay na pinakamalapit sa'kin. Hanggang sa rumami ng rumami ang mga tumulong. Dahil ang natagpuan ko mula sa mumunting sapad ng dahon ay hindi kayang resolbahan ng isang tao lamang. Dahil ang bangkay ay halos ang buong bayan...
Patapos na ako sa parte ko ng pagsasaayos ng mga bangkay, kung may naiwan na bakas sa kanila na makapagtutukoy ng pangalan nila, kung may posibleng mailigtas pa, ililista at saka lalagyan sila ng puting tela. Dumating ang truck na mas magsasaayos sa mga bangkay.
Mula sa malawak na parte ng palayan na ito ay may nakatanim na kumpol kumpol na bangkay imbes na palay at mais.
Paalis na ang buwan sa kalangitan at sumisilip na ang haring araw. Pilit kong winawaksi ang larawan ng asawa ko, kung nasaan na s'ya, kung kasali ba s'ya sa mga nawalan ng buhay, at kung paanong maipagpapatuloy ko pa ang agos ng buhay ko nang hindi nasisiraan ng bait.
"Roxas, may bangkay pa lagpas sa palayan. Tara, tulungan mo 'ko."
Sumunod naman ako.
Isang sapad ng dahon nanaman ang tatahakin namin. Isang sapad ng dahon na magdadala saakin ng panibagong rason upang hindi makatulog sa gabi, sa pag-aalala o sa hinagpis.
Sa paghawi namin sa kakahuyan ay may narinig kaming hikbi ng babae.
Natulala ako sa marumi nitong daster, nakatali nitong buhok habang mag isang nag huhukay ng lupa gamit ang pala at pinalilibutan ng marami rami pang bangkay.
Natigil ang pag iyak n'ya, napatingin saamin. Nang makita ako ay lalong napalahaw ang iyak n'ya at marahan akong sinalubong ng yakap.
Napaiyak rin ako ng maramdaman ang kanyang bisig pumalibot saakin at ang kanyang maamong muka na puno ng luha at nakasandal sa may leeg ko. At ang umbok nitong tyan na napaglalayo kami...
Meet my life. Meet the cruelty of humanity. Meet my wife who fought against odd, to stay alive, and to still save people. Meet my child who was not yet born but felt the air of the blood and sounds of the rushing pallet.
Kung lahat kaya tayo ay magtutulong tulong na magpalaganap ng pagmamahal sa kapwa at sa buong bansa, paraiso na kaya ang makikita naming sundalo sa bawat pag hawi namin ng isang malawak na sapad ng dahon?
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
RandomFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...