Nakapangalumbaba si Mercia sa tindahan nila. She watches the little children run like they've been tickling each other, each hand contains string of the kite that's flying with them. Nakatingin ang mga ito sa pinapalipad na saranggola, mga plastic at gawa lang sa kawayan."Pa..." angal n'ya habang hinahangin ang buhok n'ya at tumingin sa Ama n'yang kasalukuyang nagbibilang ng pera sa likod n'ya. Nakaupo ito patalikod sakan'ya at nasulyapan n'ya pa ang mga listahan sa lamesa nito na nagkalat.
"Hindi."
"Pa... Dito lang ako sa katapat ng tindahan. Pangako!"
"Aba, noong huli mong sinabi yan nakaabot ka sa pampang. Kaya hindi. Dito ka lang at mag bantay, may pupuntahan ako sa palengke."
Bumuntong hininga s'ya ng malalim ng umalis nga ang Papa n'ya. Iniwan s'ya mag isa sa bahay at sinarado lang ang pintuan. Nag patuloy s'ya sa pangangalumbaba sa bintana ng tindahan nila.
May mga dumaan na grupo ng kalalakihan, kasing edaran n'ya rin. May mga dala naman itong straw ng Zest.O o kaya tubo, isisiksik nila dito ang binasa lang na papel bilang bala sa straw o kahoy na may butas at hihipan ito. Masakit sa balat kapag natamaan. Pero iyong tamang sakit na kakayanin ng mga batang paslit na katulad n'ya.
Tumatakbo ang mga ito, naghahabulan, dinadala ng malakas na hangin ang mga halakhak nito sakan'ya.Nagitla s'ya ng may pumasok ss pintuan. Tumunog ng malakas ang pag bunggo ng pinto sa pader saka niluwa nito ang humihingal na batang lalaki.
"Nathaniel!" Gulat n'yang sambit mula sa tindahan ng sinilip n'ya ito. Agad naman itong lumapit sakan'ya patakbo at umupo, tamang baba at yuko lang para hindi ito makita sa labas. Nakapamewangan n'ya naman itong sinundan.
"Hoy! Doon ka mag tago sa bahay n'yo!" She exclaimed and Nathaniel looked at her.
"Shh!"
Bumuntong hininga s'ya at tumayo sa harap nito. Tiningala naman s'ya.
"Nandyan pa ba sila?"
Tumingin s'ya sa labas, isang batang babae naman na may hindi pantay na bangs ang lumilinga linga. Nagkatinginan sila, palihim s'yang kumindat. Sunod ay binalingan ng tingin si Nathaniel na nakaupo lang rin at dinudungaw ang muka n'ya saka ito inilingan, hudyat na pwede na itong tumayo. Nang tumayo na nga ay nakita ito ng lumilinga sa labas na babae, nanlaki ang mata at pinaulanan si Nathaniel. Sapul sa mata!
"Ah! Anak ng!!" Tumakbo ito palabas at hinabol ang kalaro na pumintirya. Bago pa ito makalayo ay dinala ulit ng hangin ang mga boses nito papunta sakan'ya.
Umalingawngaw ang halakhak ng batang babae, "Salamat Mercia!!"
"Hoy Mercia!! Babalikan kita!"
S'ya naman ay kumaway, "Welkam, Jam-jam!"
Binalikan nga s'ya. Matunog ang pag nguya nito ng chicharon, nakasandal sa grills ng tindahan nila. S'ya naman ay nakasimangot. Ala-singko na pero may mga tumatakbo parin at parang iniinggit pa s'ya sa saranggola na nililipad ng mga ito.
"Gusto ko rin n'yan."
"Nang?"
Nginuso n'ya ang saranggola. Tumingin naman ito doon at saka bumalik ang titig sakan'ya, bahagya pang napatigil sa pag nguya. "Hindi ka pa nakakapag palipad n'yan?"
Nakanguso s'yang umiling, parang maiiyak na s'ya at hindi n'ya nararanasan ang mga normal na ginagawa ng mga kabataan na nakikita n'ya. Paano naman kasi napaka istrikto ng Papa n'ya na para namang mamamatay s'ya sa galos na ang layo naman sa bituka.
Kung hindi lang nga dahil kina Nathaniel at Jam-Jam na dinadayo talaga s'ya at binibisita sa bahay hindi s'ya magkakaroon ng kaibigan.
"Gusto mo mag palipad?"
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
AléatoireFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...