"Ma, ano yung pangarap?"Tanong ko kay Mama habang nag hahain sa lamesa ng umagahan namin. Napatigil si mama sa paglalagay ng itlog sa plato ni Papa at napatingin saakin. Pati si Papa, mula sa dyaryo ay napasulyap ng tingin.
"Kanina kasi mama, tinanong kami ni Teacher. Eh, ano sasagot ko?"
Ngumiti si Mama, pinagpatuloy ang paghain ng pagkain habang nagsisimulang mag paliwanag sa tanong ko.
"Naalala mo kanina, nak? Pumipili tayo ng mga tatamnin, ng mga gulay mula sa pananim. Pwede natin ihalintulad ang pangarap dito, ito yung pipiliin mo na bagay na gusto mo hanggang pag tanda mo. Halimbawa, gusto mo ng puno ng Narra, o puno ng manga, hindi ka pwedeng basta umangkin ng puno kapag hindi ikaw ang nag tanim diba? Kaya mag sisimula ito sa buto. Mag sisimula ito sa gusto mo. Anong gusto mo anak?"
Gusto ko? Mag laro ng barbie.
"Play house, Mama."
Natawa si Mama at naupo sa harap ko, saka nilagyan ng kanin ang aking plato.
"Pero, hindi lang dapat ang gusto mong puno ang pipiliin mo, anak."
"Ba't naman, Pa?"
"Dapat yung puno rin na makapag bibigay ng bunga hindi lang para saiyo pero syempre, para rin saamin at sa magiging pamilya mo. Unless, gusto mong mamuhay ng mag isa? Gusto mo ba?" Tinignan ako ni Papa sa mata, may ngiti sa mga labi.
Syempre, napailing iling naman ako ng ulo ko. Sino ba naman kasi gusto mabuhay sa bahay na wala kang mama o papa o kapatid o kasama?
Agad akong nag paalam kay Mama at Papa, saka bitbit ang gulong kong bag na pumasok sa paaralan. Wala parin akong sagot sa tanong, pero atleast, alam ko na kung tungkol saan iyon.
Ano nga bang gusto kong gawin pag malaki na ko?
Napatigil ako sa paglalakad, nasa may bukana ng gate, maraming tao at mga magulang ang nasa palibot ko, nasa kani kanilang buhay, may kani kanilang kagustuhan at trabaho...
Ang iba, may hawak na folder siksik sa siko ng mga ito, yung iba naman may hawak na libro, suitcase, o nakapolo. Iba ibang kasuotan.
Sa mga iyon, anong gusto kong suotin? Anong gusto kong itanim?
Napadaan ako sa pavillion kung saan may mga nag papalitan ng shuttle sa mag kabilang dulo ng net gamit ang racket nila. Sa isang side naman, may mga nag sasaluhan ng bola sa likod ng mga palad nila. Ang iba nag hahabol para sa makuha ang bola. Mag kakaiba man, pawisin man, ang saya nilang tignan dahil masaya rin sila.
Bago ako marating sa silid paaralan namin, naabutan ko ang mga 'Reporter' kung tawagin. Lumalabas ang boses nila sa tunog ng speaker ng buong hall, ang gaganda ng boses pati ng kung paano nila dalhin ang kanilang mga salita! Ang sarap pakinggan ng kanilang pag bigkas, halata mo kasing binibigay nila ang lahat para dito.
Pagpasok ko sa classroom ay ibinaba ko ang bag sa upuan ko, late na nga ako pero hindi naman ako napagalitan ni Teacher Felix. Lagi kasi ako sakan'yang nakikinig, ang ganda kasi ng pagkakaturo n'ya araw araw sa mga paksa. Parang hindi s'ya nagsasawa sa pag-aaral para maituro ito saamin ng mahusay!
Ang ganda n'yang tignan, dahil pati ang kanyang tindig at pamamaraan ng trato sa aming mag-aaral, malalaman mong siya'y masaya sa kanyang uri ng pamumuhay!
Mahal n'ya ang mga bata at mahal n'ya ang pagtuturo!
Sa paglapat ng aking katawan sa upuan ay binagsak ko rin ang notebook na aking guhitan. Nag lalaman ito ng mga ginuhit ko, si Elsa, si Jack Frost, si Kuruko!
"Estrella!"
"Ano?" Tanon ko sa katabi ko na tinawag ang pangalan ko.
"Patingin nga ulit n'yang drawing mo. May bago ka bang ginuhit?"
"Wala, napudpod ni Ericka yung color blue kong crayons eh."
Nagpatuloy s'ya sa pag buklat ng mga guhit ko, saksi ang mata ko kung gaano n'ya nagustuhan ang mga ginawa ko! Sumilay ang maliit ngunit mainit na kung ano sa puso ko.
Masaya ako sa paguguhit.
Alam ko na!
Gusto kong maging pintador paglaki ko. Kukulayan ko ng color blue lahat ng drawing na wala nito!
Turns out my life is blue. The seed that was planted in my heart when I was a kid, I have to leave it somewhere, faraway.
"Estrella, hindi praktikal maging graphic designer. Wala kang kakilala sa school na yun, mag hahanap ka pa ng boarding house. Gusto ng Aunt Hilda mo, mag accountancy ka..."
"Ayoko nga kasi Ma ng accountancy! S'ya lang naman mahilig mag bilang ng pera ba't n'ya ko idadamay!"
Napakamot ng ulo si Mama, bakas sa muka nito ang panahon na nawalay s'ya sa kanyang kabataan. Mahina na ang mata, ngunit malamyos parin ang boses. Napalamyos sa kahinaan at kahirapan ng buhay.
"Anak... Gusto ko lang maintindihan mo. Hindi ka namin kayang pag aralin ng kursong gusto mo... At wala na rin saamin ang desisyon ng Aunt Hilda mo. S'ya ang may kakayahan, s'ya ang may kayang mag desisyon."
Alam ko naman. Pero ayoko ng marinig. Piliin ang puno na gusto mong makasama at palaguin sa habang buhay mo? I want a freaking blue tree. And it's not blue that will make them happy, but green papers, money.
Umalis ako mula sa pagkakaupo at inagaw sa lamesa ang pencil case at sketch pad ko at umalis sa bahay. Nasa labas palang ako ng gate ng bahay na hanggang bewang ko nalang at kalakalawang na, ng tinawag ako ni Papa mula sa bintana ng kanilang kwarto. Ngunit hindi ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.
Masakit isipin na kailangan mong bitawan ang buhay na pinapangarap mo. Ang buhay na alam mong para sayo. Dahil wala ka sa klase ng buhay na may kakayahan para pumili ng landas na tatahakin mo. Kung puro lang pag guhit ang alam kong gawin sa buhay at mawawalay ako dito, kaya ko pa bang mabuhay ng masaya at kuntento?
Ngunit kung sarili ko naman ang pipiliin ko, kaya rin bang maging masaya ng pamilya ko?
Nag lakad ulit ako sa baranggay namin. Mag iisip isip muna kahit sa huli ay wala naman akong magagawa. Sa paglalakad ay may iba't ibang klase ako ng tao na nakasalamuha.
May estudyante na katulad ko. May ina na katulad ni Mama, may ama na katulad ni Papa. May mga taong nag tatrabaho, na marahil ay hindi rin mahal ang kanilang ginagawa.
Napaupo ako sa gilid ng kalsada, puno ng kabahayan, katabi ko ang isang puno. Dati, sakayan ko pa ito dahil sa nakapalibot ditong duyan. Ngunit pagkaraan ng ilang taon ay pinutol ang katabi n'yang puno kaya hindi na rin napakinabangan.
Siguro ganoon talaga.
May mga napuputol na puno. May punong hindi na dapat mag bunga.
Pigil ang hikbi, nilingon ko ang langit na nag mistulang pamahayan ng mga bituin. Nagkikislapan sa ganda. Mahal rin kaya nila ang kanilang ginagawa?
Siguro may mga bagay na kahit hindi mo mahal, maganda talaga para sa'yo. At kalaunan mamahalin mo nalang rin.
With a tears, and a smile, I stood up.
With one last look of my art materials laying besides the grass of my tree.
Sana hindi ito ang maging huli nating pagkikita.
A/N:
My own way of comforting myself. 〒_〒
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
De TodoFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...