When I found you

510 26 4
                                    

PROLOGUE


"Mae! Iniwan na nya ko! Iniwan na nya ko! WAAAAH!"


Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko ng biglang umupo si Uhkan sa silya na kaharap ko. Yung muka nya naman kase. Parang hindi naligo ng isang taon e

"Oh anong gusto mong gawin ko?" Sabi ko sabay subo ng chips. Kakatapos lang kasi ng klase at lunch na. Pero dahil wala akong gana kumain ng kanin, nagpunta na lang ako dito sa canteen.

"Grabe ka Mae! Di mo man lang ba ko dadamayan?" Sabi nya habang nagsusuklay ng buhok. Grabe muka ng ginahasa si Uhkan sa hitsura nya ngayon -______-

"Eh mabuti sana kung iniwan nya din ako edi magdamayan tayong dalawa. Kaso hindi naman e. Kaya sige, maginarte ka mag isa dyan"

"Ah ganon? Gusto mo bang ma kick out dito ha?" Sabi nya habang nililinis yung muka nyang punong puno ng nagkalat na mascara.

"Ako pa tinakot mo. Eh kung wala ako dito wala kang partner in crime"

"E kaseeee naman Mae eee!" Nilapitan nya ko pagkatapos niyakap nya yung kanang kamay ko.

"Oh arte mo na naman." Sabi ko at nilayo ko yung katawan nya sakin.

"Kasi naman Mae. Di matanggap ng heart ko na pinagpalit nya ko sa mukang shokoy. Haist badtrip!" Sabay halumbaba ni Uhkan.

"Sino naman yung babaeng pinalit nya sayo aber?"

"Edi yung Claudine ng section 8!"

"Oh edi ipakick out mo. Magaling ka naman dun e"

"Alam mo Mae iniisip ko na din yan eh. Pero diba mas maganda kapag nagkusa syang umalis dito sa school dahil sa kahihiyan?"

"Pwede din" Uminom naman ako ng softdrinks.

"O kaya hamunin ko na lang sya ng suntukan"

"Nako takot na lang sayo nun no? Amazona ka kaya. Saka sa pagkakatanda ko, yung huli mong hinamon ng suntukan nasa ospital pa hanggang ngayon e"

"Haha. Ikaw naman Mae kaunting bagay"

"Alam mo Uhkan. Sa loob ng city yung school lang natin yung nagiisang school na pwede lahat. Pwede mag yosi sa loob, pwede mag kulay ng buhok kahit na mukang rainbow pa, pwedeng pumasok ng hindi naka uniform, pwedeng mag PDA, pwedeng makipagsuntukan, pwedeng mambully. Ewan ko ba kung anong klaseng gayuma ang pinainom mo kay Tito Jayson at binigay nya sayo tong school natin e"

"Gayuma? E ano pa kayang gayumang binigay nung bwiset na bagong magiging asawa ni Dad sa kanya"

"Si Abby ba?"

"Sino pa nga ba?" Sabi nya sabay umikot yung eyeballs nya.

"E kung inaaway mo"

"Kung sana estudyante sya dito edi matagal ko ng naaway"

"Oo nga no. Diba ikaw nga si

ROXANNE DIANNE D. JIMENEZ A.K.A MISS MAY ARI NG NEW ERA UNIVERSITY"

Magkasabay pa naming sinabi yun. Nagkatawanan na lang kami.

"Sige na aalis na ko. Mag rereview pa ko sa Math. Ikaw? Di ka ba magrereview?"

"Hindi na. Katabi naman kita e" Kinindatan nya pa ko

"Utut mo blue"

"HAHAHAHA. Sige na ha patularin mo na ko ha"

"Oo na" Tumayo na ko tapos sinakbit ang bag ko.

"Ay teka lang Mae"

"Oh?"

"May sasabihin ako" biglang sumeryoso yung muka ni Uhkan. Mukang hindi ko to magugustuhan ah.

"A-ano?"

"Si..."

"Ha?"

"Si ano kasi"

"Sino?"

"Si Jhonel"

Natigilan ako bigla.

"Si Jhonel. Nandito na ulit sya Mae"

Biglang tumigil yung mundo ko. Pakiramdam ko naka pause lahat ng tao. Parang pati yung tibok ng puso ko tumigil saka yung utak ko hindi nag ffunction ng maayos. Nandito na sya.


WHEN I FOUND YOU


Written by: eyem_lala

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon