Chapter 14: Maling Akala

57 11 3
                                    

 

Luhan's POV

Pauwi na ko ngayon sa Pilipinas. Napagod ako ng sobra dahil sa dami ng inentertain kong mga customers kanina. Kakabukas palang ng car company namin dito sa States pero sobrang dami na ng clients namin. Tiningnan ko yung cellphone ko. Si Mae yung wallpaper ko. Pagkita ko palang nun napangiti na ko.

"Damn, i miss you so much"

Na obsessed na nga siguro ako kay Mae. Matagal ko na tong nararamdaman sa kanya, since first day pa ng makita ko sya sa school. Hindi ko lang alam kung paano didiskarte sa kanya dahil pakiramdam ko hindi sya nag eentertain na kung sino sino lang. Buong school year si Roxanne lang yung kasama nya, kaya naman nung pumasok si Jhonel samin at nasabi nyang kaibigan nya si Mae hindi na ko nag alinlangan pang magpatulong sa kanya. Madali naman akong nakadiskarte, nakatuwa si Mae dahil ang bilis nyang kiligin. Tapos ang cute cute nya pa kapag namumula yung pisngi nya. She make me fall inlove all over again. Damn, I really love you Mae.

Biglang nag flashback sakin yung nangyari sa bahay nila nung isang gabi.

Pumasok kami sa loob ng bahay nina Mae. Aminado akong natatakot ako. Yung Papa nya kasi mukang strict. Siguradong babalatan nya muna ko bago ako makapasa sa standards nya.

 

 "Magbibihis lang po ako" Sabi ni Mae sa Papa nya.

 

"Sige. Bilisan mo, nandito pa si..." Tumingin sakin yung Papa ni Mae.

 

"Luhan po" Sagot ko naman.

 

Hindi ko pwedeng ipahalata na kinakabahan ako. Dapat kalmado lang.

 

"Nandito pa si Luhan" Sundo ng Papa nya

 

Pagkaakyat ni Mae nagsalita agad sakin yung papa nya.

 

"Sit"

 

That was a command. Sinunod ko na lang. Umupo din naman sya.

 

"Are you courting my daughter?"

 

Diretsong tanong. Straight to the bottomline. Huminga ako ng malalim bago magsalita. Eto yung tinuro sakin ng Papa ko. Dapat kalmado ka lang lagi para maging swabe lahat ng isasagot mo.

 

"Hindi po. What i mean is, Hindi pa po"

 

Biglang nagiba yung tingin sakin ng Papa nya.

 

"Kilala mo ba ang pamilya namin? We own 12 hotels in manila. We have two restaurant here in Batangas and New York. We also own a resort. Hindi basta basta ang pamilya namin. At hindi ko hahayaang kung sino sino lang ang magiging boyfriend ng anak ko"

 

"Opo. Alam ko po yun lahat" naisulat yun ni Mae nung nagsharing kami

 

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon