Chapter 30: Monthsarry

49 6 4
                                    


Mae's POV

Sobrang bilis ng araw, hindi ko na napansin na mag iisang buwan na pala ang relasyon namin ni Jhonel.

"You look so beautiful today"

"Matagal na"

Sabi ko saka sumakay sa kotse ni Uhkan. Pupunta kami sa bahay nina Jhonel ngayon. Sabi ko sa kanya hindi nya ko makakasama ngayong monthsarry namin pero ang totoo gusto ko lang sya isurprise.

Sobrang bilis ng panahon. Parang dati lag crush na crush ko sya. Yun tipo bag malalaglag yung panty ko pag nakikita ko sya. Dati kinikilig lang ako sa bawat pag ngiti at pagkilos nya pero ngayon kinikilig na ko dahil saming dalawa. Hindi ko naman akalain na mapapansin nya pa ko. Siguro nga ganon talaga ang tadhana.

"Gusto mo ba munang kumain?"

Tanong ni Uhkan. Malapit na kasi kami sa SM kaya pwede muna kaming huminto dun para kumain.

"Sige"

Nang tumigil na ag kotse sa may parking lot lumabas agad ako. Habang naglalakad kami nagtitinginan saming dalawa yung mga barkadahan ng mga estudyante. Yeah, we're so attractive right? Sana'y na din ako.

"San mo gusto kumain?" Tanong ni Uhkan.

"Food court na lang tayo"

"Sige"

At lumakad na kami papuntang food court.

Jhonel's POV

Maaga ako gumising ngayon para samahan si Shawn sa mall. Balak nya daw mamili ng mga gadgets para sa inaanak nya.Wala din naman akong gagawin ngayong araw dahil hindi di kami makakapagsama ni Mae. Masakit man para sakin na hindi kami makakapagsama sa first monthsarry namin pero ganun talaga e. Mahirap dahil magkabaligtad ang mundo namin.

"Pre pakainin mo muna naman ako. Hindi pa ko nakain e, inubusan na naman ako ni Jonas ng pangulam"

Sabi ko kay Shawn. Tumawa naman sya at binatukan ako. Sakit ah.

"Ikaw kase napaka bait mong kuya. HAHAHA. Tara sa food court na lang tayo para madami kang makain"

"Yun naman!"

Nag yes clap pa ko saka nagdiretso sa food court. Sobrang dami ng gusto kong kainin. Once in a month na lang ata ako nakakakain ng ganito kadami at kasarap, yun ay tuwing nililibre ako ni Shawn.

Magsisimula na akong sumubo ng may biglang nakita ang mata ko. Chix. Oo chix talaga. Kasi si Mae yun.

Nakita ko syang naglalakad kasama si Uhkan at siguro palabas na sila ng mall. Bigla akong nagtaka. Akala ko ba hindi sya makakasama kasi may business meeting sila? Tapos makikita ko lang sya dito? Nakaka badtrip. Pinanuod ko lang silang maglakad ni Uhkan hanggang sa di ko na sila matanaw.

"Oh di ka pa ba kakain?"

"Eto na kakain na uubusin ko to lahat"

Sabi ko saka sinumulan ang pagkain.

Mae's POV

Pagkatapos naming kumain lumabas na agad kami ng mall at nagdiretso kaya Jhonel pero sabi ng nanay nya kasama nya daw si Shawn kaya ang nangyari. Nakipaglaro na lang ako sa mga kapatid nya.

San kaya nagpunta yun? Haist.

Naglalaro kami ng jackstone ni Marie ng dumating si Jhonel.

"Babe" Sabi ko saka ngumiti at niyakap sya pero hindi sya kumibo. Pagkalas ko sa yakap tumingin sya sakin.

"Usap tayo. Sa labas"

Ang pakla naman nun.

Lumabas kami ng bahay nila saka nag usap.

"Akala ko ba may business meeting ka?"

"Ha? Ah eh"

"Bakit ka nandito?"

"S-Syempre monthsarry natin babe"

"Bago ka pumunta dito san ka pa nagpunta?"

"D- Dito lang naman ako pumunta b-babe"

"Nakita kita sa mall kanina. Kasama mo si Uhkan. Akala ko ba may meeting ka?"

"K-Kumain lang kami"

Nabubulol na ko. Para akong maiiyak. Di ko alam kung pano ako magpapaliwanag.

"Sinungaling ka. Umuwi ka na"

Tapos naglakad na sya palayo. Naging bato lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tanga Mae! Tanga!

Naglaglagan yung mga luha sa mata ko.

"Fail na naman ba?"

Nakita ko si Uhkan na lumapit sa tabi ko.

Tumango lang ako.

Tuloy tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na din yung napagod. Hindi padin umaalis si Uhkan sa tabi ko. Medyo madilim na din. Nakaasar talaga.

"Tara"

Sabi ni Uhkan. Iunahan ko na sya sa paglalakad at nagdiretso a ko sa kotse. Siguro hindi pa kami uuwi, may balak pa siguro si Uhkan na puntahan. Kung san man yun sasama na lang ako.

Jhonel's POV

Pagkatapos namin mag usap ni Mae sumama ako kay Shawn papunta kay na Riez. Tutal malapit na din naman sila magpakasal kaya gusto ko din bumisita kay Riez. Malay ko ba kung butis na yun. HAHAHA.

Pagkadating namin sa bahay nina Riez nagdiretso kami ni Shawn sa garden at uminom ng konti. Bigla kasing may dumating na bumisita si Riez na dalawang babae kaya hinayaa muna namin sila ni Shawn.

Narinig naming nagtatawanan yung mga babae at mukang masaya sila pero kami ni Shawn, seryoso ang pinaguusapa namin.

"Pare kamusta nga pala yung deal?" Sabi ni Shawn at uminom ng beer.

Deal? Ano nga ba yung deal?

Ah yung deal.

Yung deal tungkol kay Mae.

"Ayos lang"

Sabi ko saka lumaklak din ng beer. Tiatamad na di akong magsalita tungkol dun. Wala kasi ako sa mood pag usapan yun ngayon lalo na at may problema pa kami ni Mae. Saka ko a lang sasabihin kay Shawn na totoo na yung relasyon namin at hindi lang dahil sa deal.

"1 month na ah"

"Oo nga e"

"So what are you waiting for? Ayaw mo pa ba ng kotse?"

Yung kotse. Yeah I remember. Pumayag ako sa deal para sa kotse. How pathetic I am? Bullshit.

Marami pa namang panahon para sabihin ko yung tungkol kay Mae. Pero siguro kaylangan ko munang sakyan si Shawn ngayon. Baka kasi pag binigla ko magulat sya e.

"Gusto ko pare syempre. Humihintay lang ako ng timing para makipagbreak kay Mae"

"Ibang klase ka din talaga. Tinde mo pre! Pogi! HAHAHA. Biro mo yun? Napapayag mo si Mae na maging Girlfriend mo?"

Ngumiti lang ako. Mahirap din naman para sakin na aminin yung ginawa ko.

"So sabihin mo lang sakin pag nakipagbreak ka na sa kanya ha? Dapat i-video mo ha. HAHAHA. Ibibigay ko agad sayo yung kotse"

"Sure pare"

Sabi ko saka lumaklak ulit ng beer. Medyo may tama na din ata ako.

Nagtatawanan kami ni Shawn ng bigla kaming mapatingin sa mga nabasag na baso sa likod namin. At nakita ko ang babaeng umiiyak.

"MAE?!"

Sigaw ko.

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon