Jhonel's POV
Pagkatapos ng volleyball competition umuwi na ko samin. Wala naman akong gagawin sa school e. Sina Uhkan at Mae daw uuwi na din pati si Luhan. Kaya nag decide na kong umuwi na din lang.
"Tara na kuya!"
Sigaw ni Jonas sakin.
"Oo teka lang"
Papunta kami ngayon sa bahay nina Kuya Reylan. Birthday daw ng anak nya at may kaunting handaan.
Nagbihis na ko ng damit ko saka lumabas ng bahay. Kasama ko sina nanay saka yung mga kapatid ko.
Habang naglalakad kami naghahabulan yung mga kapatid ko. Ang kukulit nila.
"Oh mga anak, tama na yan. Baka masagasaan pa kayo ng mga sasakyan" Sabi ni Nanay
"Opo nay" Sabay sabay namang sabi ng mga bata.
Nang makadating na kami sa bahay nina Kuya Reylan, madaming sasakyan ang nandoon. Mukang mayayaman ang mga bisita nila ah. Nang makita ko si Kuya Reylan nilapitan ko agad sya.
"Kuya Reylan, mukang madami kayong bisita ah?"
"Hay nako Jhonel. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari e. Pag dating ko dito sa bahay may mga sasakyan na. Andami nga e. Tumawag sakin yung boss ko, sabi nya pasakayin ko daw lahat ng bisita ko dyan sa mga sasakyan na yan"
Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Kuya Reylan.
"ibig sabihin sasakay din kami dyan?"
"Oo naman! Sige na sakay na!"
Sinabi ko kay Nanay saka sa mga bata na sumakay na dun sa mga sasakyan. Siguro bibigyan ng surprise ng boss ni Kuya Reylan ang anak nya.
Maya-maya pa umalis na kami. Madali lang ang byahe namin. Wala pang 30 minutes, nakadating na agad kami sa pupuntahan naming. Restaurant yung pinuntahan naming, mukang mamahaling resto.
Bumaba na kaming lahat sa sasakyan. Pinapila muna kami nung nagbabantay sa unahan ng resto, hiniwalay nila yung mga bata samin, tapos pinapasok nila sa isang kwarto. Yung isang babae naman niyaya yung anak ni Kuya Reylan sa ibang kwarto.
"Kuya Reylan dito ba yung handaan?"
"Hindi ko alam Jhonel e. Naguguluhan ako. Masyadong mamahalin tong restaurant na to. Wala akong pambayad"
Hindi na ko umimik at naghintay na lang ako sa mga susunod na mangyayari. Pinapasok pa kami nung isang babae sa isa pang pintuan, pagpasok naming nagulat kaming lahat.
Malaki yung place. Siguro kasing laki na yun ng gym namin. May pool tapos madaming table. Madaming mga puno na nakapalibot. Mukang garden sya pero mas mukang party house. May mga balloons na nagkalat at may mga kiddy hat. Pagtingin ko dun sa dining table sobrang daming pagkain. Kulang pa siguro ang 500 na tao para maubos yun.
BINABASA MO ANG
When I found you
Teen FictionAno nga bang nangyari nung nakilala kita? My whole life changed since I've found you. Basahin sana ito ng mga bangag na naniniwala sa Poreber. Mwehehe When I found you By: eyem_lala